para kay Seth
you know what they say about warm milk and cookies? kaya daw nitong pasiyahin ang nalumlumbay na puso.. kaya din daw nitong pasiyahin ang bad hair days and "shit happens" moments mo.. kaya din nitong dalhin ang malungkot na puso sa tahanang pansamantalang iniwan nito.. warm milk and cookies para sa isang taong patuloy na nagiging lakas ko sa araw-araw na dumadaan.. kagaya ng buwan na kahit hindi ko man halos nakikita, ang ganda nito ay parating mag bibigay ng mga magagandang alaala.. and just with the mere sight of it sapat na para patuloy ko pa ring bilangin ang bawat biyaya... thank you for everyday..
para kay Batang Bubuwit
dahil sa kapasidad na magpangiti sa kahit anong oras.. hinahanap ko ang mga araw na sinasabi mong mukha akong pangit.. lalong hinahanap ko ang araw na sinasabi mong maganda ako.. ang alay mong saya ay singtulad ng bawat Avisala ng mga taga Engkantadia, at bawat Magandang Alon ng mga taga Sirenea.. ang mahiwagang baston na higit pa ng kay Fairy Godmother sa Fantasia.. nagsisimbolo ng kakaibang saya na ibinabahagi mo sa akin hindi man tayo madalas magkasama o magkausap man lang.. kagaya ng naiibang tahimik na kasiyahan na dulot ng buwan kung ito'y tititigan lamang.. my lil bubuwit...
para kay Fine China
masaya din naman gumamit ng payong sa ulan lalo ng kung ito'y kulay dilaw.. minsan man ay nagtampo ng hindi ko nalalaman, sana ay nabago na rin kasabay ng bawat pumatak na ulan.. malaking dilaw na payong ang ibibigay ko, hindi lang para sa isang tao na makakasukob mo, kung hindi pati na rin sa ibang nagnanais din na makasukob ka sa payong mo.. kung kaya mong magtampisaw at magpa basa sa ulan, dasal ko na sana rin ay mas maging matatag sa mga oras na hindi natin inaasahan.. fine chinas may break anytime, pero may paraan para mabuo uli ito... kagaya pa rin ng buwan, mag iba iba man ang hugis sa buong taon, dadaan pa rin ito sa kabilugan...
para kay Bolang de Kanto
bisig mo rin ang isa sa mga tahanan ng puso ko.. maraming oras na hinahangad kong tumakbo at yumakap lang saiyo.. marami na tayong pinagsamahan.. dumaan na rin tayo sa maraming pagsubok, pero masaya akong nanatili tayong magkaibigan.. napapalungkot mo man ako ngayon dahil sa mga pag babanggit ng mga hindi dapat, pakatandaan na hindi nito nababago ang pagmamahal ko saiyo.. see-saw dahil kahit ano man ang mangyari, ups and downs, malayo man ako, sana alam mo na mananatili kang malapit sa puso ko.. kagaya pa rin ng buwan na kahit patuloy na mag bagong anyo, o kahit napapaikutan ito ng maraming bitwuin, sa kahit anong panahon na dumaan ay itatago ng higit pa sa anumang kayamanan..
may laman pa ang sako ni Mya, hanggang sa susunod na tagpo.. :)
100810monday
may mga hula na naman ako :)
ReplyDeletepuro ka naman hula!hehe :))
ReplyDeleteako,hulaan mo.
hmmm...
ReplyDeletesa ngayon, di pa kita kilala.
but i'll get to know you.
di kasi pwede magbanggit ng names dito sa blog.
bawal. rule namin yan.
at ginawa niyo pang hulaan ang blog ko.. mga toinks na to...
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteganda naman nung dilaw na payong ni FineChina parang gusto ko rin ng see-through..hehehe..XD
ReplyDeletedi na rin ako ganon kaiyakin..haha!:P
SALAMAT ulit!:))
@MEcode..
ReplyDeletebakit erased yung unang comment? siguro hindi yun para sa akin ano, para kay YOUcode.. haha..
ah, gusto mo rin ng see-through na payong? funny, pauwi ako kanina and i passed by one of my favorite stores at naisip kong ibili ka rin nung payong na kagaya kay Fine China.. kaso naisip ko baka di mo naman gamitin kasi hindi sya folding.. tapos naisip ko, mag susumer na, eh mas maganda yun sa rain talaga..
sige, bilhin ko pa rin.. :)
toinks!ayoko kasi nung 1st comment ko..haha!XD
ReplyDeletela naman prob kung hindi folding..:)
SALAMAT!haha!:P