Sunday, November 7, 2010

firstDELIVERY

nasa mall ako kanina (as usual).. at sa halos lahat ng sulok mararamdaman na ang papalapit na pasko.. hindi pa man nag sisimula ang karamihan na bumili ng kanya-kanyang regalo sa mga nais nilang pag bigyan, bigla rin akong napaisip kung anong magandang ibigay sa mga naging bahagi na paglalakbay ni Myang Ligaw..

para kay Free Spirit
ang hilig nya ngayon mag salita ng patapos.. subalit lubos ko s'yang naiintindihan.  kahit sino sigurong minsan ng nasaktan, hindi imposibleng mabanggit ang mga salita ng isang damdamin na takot.. ganun pa man, hindi ako naniniwala na "hindi" ang mananalong sagot sa tanong niyang binitawan.  "oo" pa rin ang magwawagi sa huli.. dahil kagaya ng buwan, hindi ito nagtatapos sa pag ikot nito.. patuloy ang tapang na magsimula ng pauulit ulit na bagong yugto kahit pa gaano kalakas ang mga dumadaang ulan at hagupit ng bagyo.. pasasaan pa ba at naging Free Spirit siya?... alam kong stop over lang ang meron siya ngayon.. after all, fairy tales aren't just about meeting prince charming.. kagaya ng lagi kong sinasabi, fairy tales are basically about knowing the gift of oneself and creating own versions of happy endings..  at dahil doon, they will always be a pleasant read...

para kay Pusong Matapang
ang mahiwagang salamin ng Narnia.. hindi kagaya ng madalas na nakikitang salamin sa Fantasia, walang ibang mukha ang masisilayan sa salamin na ito maliban ang sariling repleksyon.. mahiwaga ang salamin dahil ito ang araw-araw na magpapatotoo na taglay niya ang sagot sa mga tanong ng puso niya.. at ang nakikitang hugis sa salamin ay may taglay na kagandahan na dapat laging panghawakan para magpatuloy sa buhay.. alam kong masalimoot man ang bumabalot minsan sa damdamin niya, pasasaan pa ba at naging Pusong Matapang siya?'.. relapse man o u-turn ang dumaan, kagaya ng buwan, patuloy pa rin nitong pipiliin na mag simula ng panibagong ikot.. patuloy na tingnan ang sarili at pakinggan ang sinasabi ng nakikitang repleksyon sa salamin.. ito ang mga mapa at compass patungo sa inaasam na landas...

para kay via yang
tsokolate at suman.. masarap isipin na makasama ko kayo na mag simbang gabi at pagkatapos ay magsalo over mainit na tsokolate at suman.. magsisimula ang palitan na naman ng mga kwento at opinyon, pati na ang mga walang kwenta ding punto.. habang umaadar ang oras, patuloy na mararamdam ang suwerte sa pagkakaroon ng mga kaibigang handang sumama sa bawat takbo ng buhay... kagaya ng buwan, nandyan ang buong kalangitan para patuloy iparamdam sa kanya ang bawat halaga ng liwanag na ibinabahagi niya...

para kay Pilyong Querubin
kapalit ng binigay mo sa aking ipod.. noong bagong salta ako dito sa bagong langit, wala akong ibang kasama kundi ang musika ng ipod mo.. sa mga musika na napapaloob doon, dinadala ako nito sa langit na kinagisnan ko.. kahit malungkot ang mga alaalang napapaloob sa musika, natutunan kong unti-unting tanggapin ang mga pag abagong kasabay ng mga desisyon na ginawa.. lumang plaka ang ipapalit ko, patunay lang na ang alay na pagkakaibigan saiyo ay totoo at pinahahalagahan.. nais ipakahulugan na ang inaalay na kamay ay kasamang tatanda anumang uri ng musika ang dumating.. ilang lumang plaka, casette recorder, stereo, component, walkman, at ipod man ang dumatingkagaya din ng bawat pagbabago ng hugis ng buwan, babalik at mabubuong muli..

para kay Maputlang Seraphim
masayang muling balikan ang buhay ng mga munting paslit.. malayang tumakbo at walang puwang ang bigat ng buhay.. makukulay na holen para hayaang buksan ang sarili sa mundong walang dinadalang poot sa damdamin.. may oras pa, hayaan maglaro paminsan minsan... isarado ang tenga sa mga tawag at salitang alam mong hindi totoo.. minsan, tama din na mag bingibingihan sa ibang tao para mas mapakinggan natin ang sarili.. walang masama sa pag bibigay oras sa bulong ng damdamin... maglaro ng holen at itapon ang mga maskarang nagtatago ng totoong katauhan.. may mga gabing ang liwanag ng buwan ay hindi rin sapat.. ganun pa man hindi nito nababawasan ang totoong liwanag na taglay nito sa mas maraming gabi.. huwag piliing mag isa o lumayo, maraming taong handang makipaglaro at mag bahagi rin ng kani-kanilang makukulay na holen..

para kay Munting Tinig
maliban sa tinig mo na nagbibigay ligaya sa puso ko at luha ng tuwa sa mga mata ko, mahalaga ka sa akin sa kabuuan mo.. hindi ito kagaya ng mga palamuti sa kamay na madalas kong ibigay saiyo.. para iba naman, mga palamuti ito para sa ating kaliwang paa.. pinili ko man na tumahimik pansamantala, hindi nito binabago ang musika ng dala mo sa buhay ko.. mga palamuti na magsisimbolo na malayo at hindi man kita kinakausap, ang mga dating paa ko pa rin ang mag dadala sa akin para panoorin ka na kumantang muli.. mga dating paa ko pa rin ang magdadala sa akin para pumalakpak sa bawat pagtatapos ng iyong mga awit.. kagaya ng buwan na kung saan ang liwanag at natural na ganda nito ay nagsisilbing tahimik na awitin sa buong kalangitan at sa mga malalim na buntong hininga ng mga taong umaasa..

para kay boomerang
dahil walang katumbas ang mga oras na dumaan.. simbolo ng pasasalamat sa pag akay sa nabaling pakpak.. simbolo ng pasasalamat sa mga ngiting minsan ay nakalimutan.. pasasalamat sa pagturo na muling magtaya at maniwala sa majika ng tibok ng puso..  kagaya ng di karaniwang kulay ng buwan na mananatiling natatangi sa mata ng ibong ligaw..

para kay Pilosopong Tasyo
konti man ang naging panahon, naging nag-iisang kakampi at matalik na kaibigan sa maraming bagay.. naging lakas ng loob para yakapin ang kahit anong pagsubok o palampasin ang sinong pangahas na nagnais na maputol ang pulang sinulid.. ang naging katahimikan ng loob sa mga unfair and stormy days pati na mga uncertain tomorrows... kagaya ng asul na buwan, minsan man dumadaan, patuloy na bibilangin bilang biyaya na higit pa sa isa.. an hour glass, dahil sapat na sana kahit isang oras lang..


paunang bahagi pa lamang ito.. sana'y h'wag magdamdam ang hindi ko pa nabigyan ng regalo ngayon.. h'wag mag alala, may laman pa ang sako ni Mya..

110610saturday

5 comments:

  1. fairy tales are basically about knowing the gift of oneself and creating own versions of happy endings..

    tatandaan ko yan :)
    kilala ko na iba, ititext ko na lang. hehehe

    salamat sa regalo.
    hugs.

    ReplyDelete
  2. salamat. maraming maraming salamat.

    ReplyDelete
  3. salamat
    salamat

    sa maraming taon na nandyan ka, regalo ka sa akin
    kung hindi man ako nabiyayaan na magkaroon ng kapatid na nakatatanda, masaya ako na ate kita.

    sa mga kwentong malalim at puno ng damdamin--salamat sa pagbabahagi.
    sa mga tagong kwento at walang pangalan ang mga tauhan--salamat sa pagtitiwala.
    sa mga kwentong toinks at buwan-- salamat sa mga tawa.

    sa kagandahan na dulot mo sa buhay ko dasal at hangad ko na lubos na maging maligaya ang puso mo.

    ReplyDelete
  4. @the Boss..

    you're welcome..

    @via yang..

    "sa mga tagong kwento at walang pangalan ang mga tauhan - salamat din sa pakikinig.."

    natawa ako dun.. sa kabilang dako, nalungkot ako kanina.. alam mo yung pakiramdam na ayaw mo pang umuwi at nais mong mag sayang ng oras kasama mga kaibigan? hay.. mag isa na naman ako knina kumain dinner sa paborito kong restaurant..

    really hoping you're here..

    ReplyDelete
  5. Ate.. thank you so much...as of now ate...kung kasiyahan nakuha ko ng tatlong araw ay nagsisimula ng matunaw dahil sa mga naririnig ko..salamat sa mga sinabi mo..tama ka po..maraming salamat ate mya... i love you.

    ReplyDelete