isa siya sa mga naging malapit sa puso ko sa nakagisnang lungga. naaalala ko pa noong una namin siyang nakasama sa isang house build. magkaiba pa ang grupo namin noon. mukhang mahiyain at tahimik, pero noong nakita niyang naglalaro ng scrabble ang mga kaibigan ni pooh, lakas loob siyang humingi ng permiso na sumali.
tinuruan namin siya ng mga technique sa pag laro ng scrabble. nasilayan ko ang pagkamangha niya sa listahan namin ng 2 & 3 letter words ng laro. natuwa akong makita siyang gustong gusto niyang matuto. hanggang sa di kalaunan ay sumali at nanuluyan na sa bahay ni pooh..
tahimik siyang tao, pero bakas sa mga salita niya at mga kwento ang dami ng gusto niyang gawin sa buhay niya. mukha din siyang mahiyain, pero makikita mo rin ang lakas ng kanyang loob kapag gusto niyang gawin ang isang bagay. dating niya'y parang wala siyang pakiaalam sa karamihan, pero may sarili siyang paraan para maramdaman mo ang halaga mo sa buhay niya.
nagmahal na rin pala siya ng totoo.
at ngayon, bagong tao ang nasaksihan ko.
mas maganda, kahit nasasaktan man siya ngayon.
masaya akong narinig ang mga kwento niya. isang kasiyahan sa akin ang marinig ang mga pagbabahagi niya. gusto kong isipin na the boy i used to know is now a grown up man.. masaya ako na nakilala ko siya..
hindi man siya buo sa mga panahong ito, sasabihin ko pa rin na masaya akong malaman na nagmahal siya ng totoo at naging tapat sa pagmamahal na ibinahagi. natatawa man kami ni Pilosopong Komikero sa nasaksihan naming bagong pagkatao, mas masaya ako na makita siyang natutong tumaya at maniwala sa majika ng pag mamahal.
hihintayin ko ang susunod na bahagi ng kwento mo. at magiging bahagi ng panalangin ko ang katahimikan at kalayaan na hangad mo.
in time, all shall be well.
in the meantime,
just be.
to let go is to fear less and to find peace
-december love-
No comments:
Post a Comment