Saturday, March 19, 2011

whiteSWAN

may nagsabi sa akin noon na ang salitang mahalaga ay kombinasyon daw ng dalawang salita, mahal at alaga.. ibig sabihin lang daw noon, kapag sinabi mong mahal mo ang isang tao, kailangan ay maparamdam mo sa taong iyon na handa kang alagaan siya sa lahat ng paraan na kaya at alam mo..

ballet dancer by Poupé Vivantemay nakilala akong isang babae.. una ko siyang nakita noon na sumasayaw.. naaalala ko pa ang mukha niya habang sumasayaw siya.. namumutawi sa mukha niya noon na masaya siya sa ginagawa niya.. ngiti niyay'y matatamis at nagsasabing siya'y malaya..

pero iba ang mukhang nakaharap ko kanina.. oo nga't may ngiti sa kanyang  mga labi, pero ramdam ko din na sa likod ng mga ngiti niya ay isang babaeng nag hahanap ng mahigpit na yakap at lakas na makakapitan.. ramdam ko ang pag alaga niya sa isang munting binhi na pinili niyang alagaan.. ramdam ko ang takot niyang masaktan ito at mawala kalaunan.. batid ng puso ko ang sobrang hangad niyang manatili at ipaglaban ang pinili niyang nasimulan..

hindi ako nahirapan na makita kung sino siya.. hindi rin ako nahirapan na intindihin kung ano ang dinadala ng puso niya.. marahil ay nakita ko ang sarili ko sa kanya.. bigla kong natanong sa sarili ko, bakit kailangan masaktan ang mga taong totoo lang kung mag mahal.. haist.. shit really happens huh?.. life just isn't fair.. pero ganun eh, ganun lang talaga ang ikot ng buhay..

naaala ko pa, may ilang tao na hindi rin ako naintindihan o maintindihan kung paano ko tingnan at paniwalaan ang pag ibig at pag mamahal.. sa mata ng ilan, naging tanga pa ako.. may ilan din na tinawag akong martyr.. may ilan na hinayaan ako sa mga prosesong pinagdadaanan, at may ilan din na sumuko na lang sa akin.. ang totoo, hindi mahalaga sa akin kung ano ang tingin ng iba sa puso at isip ko.. dahil para sa akin, hanggat alam ko kung ano ang nararamdaman ko, ilalaban ko ito hanggat kaya ko.. gaano man ito katagal abutin, ako lang ang may hawak at may alam ng totoong nararamdaman ko.. hindi mahalaga kung nasasaktan ako hanggat alam ko na nagmamahal pa rin ako..

sa aking pag uwi, bigla kong natanong sa sarili ko, ano kaya ang mga kwentong susunod?.. ano kaya ang mga pakiramdam na dadaan sa mga darating na araw.. anong uri kaya ng umaga ang babati at anong uri ng musika ang maririnig sa bawat takipsilim..

hai.. hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng buntong hininga ko ngayon.. pero gusto kong isipin na buntong hininga ito na umaasa at naghihintay na isang nakangiting haring araw ang babati sa bukas na darating..

nais ko siyang makitang sumayaw muli.. hangad kong masilayan na kasama ng sayaw niya ay isang mukhang ngumingiti ng malaya at pusong nakangiti dahil busog nito sa pag aalaga..

sa ngayon, ibubulong ko muna sa langit ang mga kahilingang ito..

031911sabado


7 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. "naaala ko pa, may ilang tao na hindi rin ako naintindihan o maintindihan kung paano ko tingnan at paniwalaan ang pag ibig at pag mamahal.. sa mata ng ilan, naging tanga pa ako.. may ilan din na tinawag akong martyr.. may ilan na hinayaan ako sa mga prosesong pinagdadaanan, at may ilan din na sumuko na lang sa akin.. ang totoo, hindi mahalaga sa akin kung ano ang tingin ng iba sa puso at isip ko.. dahil para sa akin, hanggat alam ko kung ano ang nararamdaman ko, ilalaban ko ito hanggat kaya ko.. gaano man ito katagal abutin, ako lang ang may hawak at may alam ng totoong nararamdaman ko.. hindi mahalaga kung nasasaktan ako hanggat alam ko na nagmamahal pa rin ako.."

    perfect. just perfect.
    nga pala, i fought for my happiness today, ate. finally. hahaha. :)

    ReplyDelete
  3. ei enzo.. kakatapos ko lang actually basahin yung blog mo.. and i am really happy for you..

    yah, love may hurt, but you see, loving sa lahat ng paraan na kaya at alam natin is sometimes enough to make it perfect.. :)

    ReplyDelete
  4. who's drawing is that? cute...

    I thought I was reading about myself, only I recalled I don't dance anymore, hahaha! XD

    sh*t happens indeed, I'm wondering for the nth what's God's plans are...

    ReplyDelete
  5. @urban miss.. the drawing is just something i downloaded.. hehe.. i guess, we may have our own versions of the swan princess.. after all, we are all princesses right?.. God's plans? haha.. i too wonder.. :)

    ReplyDelete
  6. hindi ko na naman alan ang dapat sabihin...

    ewan, when it comes to topic about love, apathetic ako recently, pero ano'y ano pa man, kasabay mo akong nagdadasal ate, ibubulong ko din sa langit na sana ang mga bulong mo'y tuluyang maisigaw :) hugs.

    ReplyDelete
  7. @brent tzu.. ang mga bulong na tinutukoy ko ay hindi para sa akin.. pero kung tutulong ka sa pag bulong na iyon, baka mas marinig nga ng langit ito.. hehe.. :)

    ReplyDelete