Saturday, October 30, 2010

blueWALLS

nasa kabilang kwarto ako kanina. tumingin ako sa bintana at natukalasan ko na mas maganda palang tingnan doon ang nagsisilbing pansamanta kong buwan. habang nakatanaw ako sa malayo, naisip kong maganda rin pagmasdan ang iba't ibang ilaw ng mga gusali ng siyudad. may pula, dilaw, berde, at sympre asul.. kung titingin ka naman sa baba, masisilayan ang iba't ibang uri ng sasakyan at maririnig din ang sari saring busina nito. matatanaw din ang mga taong naglalakad pauwi, samantalang ang iba nama'y mukhang papasok palang sa pang gabing trabaho..

nagpakawala ng isang malalim na buntong hiniga.. hanggang ngayon, hindi ko pa rin lubusang mayakap kung bakit ipinagpalit ko ang mga totoong bituin, sariwang hangin, at ang napaka gandang liwanag ng buwan.. ang tunog na dala ng mga kuliglig, pati na ang tahimik at malamig na simoy ng gabi.. tama nga ba ang naging pasya..

nagpakawala ng isang buntong hininga na may kasabay na ngiti.. tama ang naging pasya, mayayakap din ng buo pagdating ng panahon..


muling tiningnan ang kalawakan ng siyudad at ang mga ilaw na nagbibigay liwanag sa pansamantalang langit..
muling pinakinggan ang mga busina ng sasakayan na nagsisilbing pansamantalang musika..
muling sinilayan ang mga taong hindi kilala at nagsisilbing kasama sa bagong tahanan..



ito ang buhay na ginagalawan ko ngayon.. 
sa kabilang dako ng langit na ito,
ay ang buhay at mga taong inaasahan kong babalikan ko sa tamang panahon..


103010saturday

No comments:

Post a Comment