Saturday, October 9, 2010

sophiasBOOMERANG

ilang araw na rin ang nagdaan mula noong huli kong takbo.  gustuhin ko man tumakbo araw-araw, naging madalas ang pagdalaw ng haring ulan. tuloy, napilitan mag pahinga ang mga paa ko at maghintay na lamang sa susunod nitong pagtakbo.

maganda ang mga sinag ng haring araw kaninang umaga.  sa paglalakbay ko papunta sa binubuo kong bagong lungga, bulong ng puso ko na pahintulutan ng ulan ang araw na manatili at magbahagi ng init sa sangkatauhan. maswerte ata ako sa araw na ito dahil hindi ako binigo ng ulan.

sa makatuwid, nagkaroon ako ng pagkakataon na tumakbo noong dapit hapon.  masarap sa pakiramdam ang bawat hakbang ng mga paa ko.  masarap din pakinggan ang bawat pag hinga at ang pintig na puso tuwing tumatakbo ako.  ngunit sa ikalawang ikot ko, biglang sumakit ang isang bahagi ng aking katawan.  marahil ay nanigo na naman ang katawan ko.  sa sobrang sakit nito, napilitan akong tumigil.. ano mang pilit kong magpatuloy, nanatili ang sakit nito.

ayaw ko pa rin tumigil, kaya kahit lubos ang sakit na nararamdaman, pinilit kong ipagpatuloy ang pag ikot.  sa halip na tumakbo, pinilit kong ilakad ang aking mga paa paunti-unti.  matapos ang dalawang ikot, naramdaman kong handa na akong muli na ipagpatuloy ang aking takbo.

(isang buntong hininga)... sa pagpapatuloy ko ng aking takbo, biglang nag iba ang simoy ng hangin sa paligid ko.  lubog na ang araw, at paunti unti ng lumalabas ang mga bituwin.. tuloy ang takbo, hanggang sa biglang tumulo ang mga luha ko.  ngayon lang ito nangyari. sinabayan ng luha ang bawat hakbang ng mga paa ko. "Diyos ko, naririnig niya ba ako? Naririnig kaya niya ang bawat buntong hininga ko? Nararamdaman kaya niya ang mga yakap na padala ko sa pamamagitan ng bawat ihip ng Hanging Amihan? Naririnig niya ba ako?..."

ito na ata ang pinakamalungkot kong pagtakbo..  hindi ko akalain na ang isang bagay na kinukunan ko ng lakas ngayon ay mababahiran din ng mga luha ko. akala ko, sapat na ang naiipon kong lakas mula noong huling sayaw ng araw..

pati pala pagtakbo ko dadalawin din ng lungkot at luha...
kelan ba ito magwawakas?

"God, miss na miss ko na siya."

100910friday

No comments:

Post a Comment