kakatapos ko lang basahin ang blog ni Pilosopong Komikero. natuwa naman ako sa mga litratong nakapaskil. mas natuwa ako nung malamang nananakit pa rin ang katawan niya dahil sa takbong ginawa.
pagkatapos ay lumabas ako ng opisina at pumunta sa pantry area namin. biglang may narinig akong pamilyar na kanta. sa di inaaasahan, bumuhos bigla ang mga luha.
nagulat ang mga kasamahan. nagulat din ako dahil hindi ko napigilan ang sarili kong kahinaan. tumawa kami bigla, sabay tanong nila sa akin.. kailangan mo bang tao na uumpog ng ulo mo sa pader para matauhan ka?... sinabi kong hindi, eraser lang okay na sa akin..
wala lang, naiisip ko lang bigla na mahina pa rin ako.. putot pa rin ang mga pakpak ko.. at malabo pa rin ang paningin ko..
kaya naman hindi nagiging malinaw ang pag basa sa mga mapa at direksyon..
kaya may mga panahon ng u-turns..
kaya may mga stop overs..
pero sige lang, malaki pa naman ang mall para ikutin ng paulit ulit kapag nalulungkot ako..
at marami pang librong maaaring basahin sa mga benches ng mall kapag ayaw ko pang umuwi..
pasara na ang mall, sa susunod naman siguro...
102810thursday
di ko alam if concerned ba talaga officemates mo o sadyang mga aning lang sila? hmmm....
ReplyDeleteanyways, sabi ko rin nga sa'yo ate, if ako ang nasa kalagayan mo, i'll do the same.
putot man ang pakpak mo sa ngayon, darating ang panahong ilalayag ka nito sa mundo. siguro nga ligaw pa ang maya, 'di pa ganun kaIndependent, pero she will.
baka naiinip ka na ate, at hindi yan maiiwasan dahil sa sakit na nararamdaman mo.
let things be :)
mahigpit na yakap para sa'yo.
salamat boss..
ReplyDeletehaha.. i guess "me-time" is here to stay for a while...
lubusin mo na ate me-time mo.
ReplyDeletemalapit na, malapit na :)