Sunday, October 10, 2010

fedEX

sa isang upuan sa simbahan, nakita ko ang isang bangkang papel.
naalala ko lang, may ilang beses ko din itong ginawa sa dati kong langit.. ang isulat ang mga nararamdaman, gawing bangkang papel, at iwan sa simbahan. 
sa pag iisip na baka ganun din ang intensyon ng may gawa ng bangka, kinuha ko ito at inalam kung may napapaloob na sulat..


meron nga.. hindi akosigurado kung babae o lalake ang may akda. pero pamilyar saakin ang pakiramdam na isinisigaw ng bawat salitang naisulat.. 


mukha mo pa rin ang nais kong makita sa bawat pagbukas ng pinto. 
pangalan mo pa rin ang hinihintay kong masilayan sa bawat tunog ng aking cellphone.
mga ngiti mo pa rin ang baon ko sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko.
gusto kitang ipagtimpla uli ng kape, ipaghimay ng kinakain mong manok.
gusto kong kantahan kitang muli ng mga awit kahit hindi ko ito memorize.
gusto kong manatili lang sa paborito nating upuan kahit hindi tayo nagsasalita.
nasaan ka na ba? kelan ka ba babalik?
hanggang ngayon, ikaw pa rin.

bahagi lang ito ng nasusulat sa papel. ganun pa man, madaling intindihin ang nais ipahiwatig sa langit.  iniisip ko, ano kaya ang itsura ng may akda nito? ano kaya ang mararamdaman ko kapag nasilayan ko ang mga mata niya? totoo kaya ang mga ngiting ipinapakita niya? kumusta kaya siya ngayon? iniisip pa rin kaya niya ang taong tinutukoy niya sa sulat? ano kayang nangyari sa kanila? babalik pa kaya ang taong nawala sa kanya? mahal pa kaya siya nito? makakarating kaya sa langit ang sulat niya? narinig kaya ang dasal niya?

ginawa kong muli ang bangkang papel at nilagay sa dati nitong pwesto.  naalala ko ang blog entry kong paperboats.. yun nga lang, mga awitin ang laman noon.. 
nalungkot din ako noong nabasa ko ang sulat.. kahit gusto kong ipagdasal na sana ay bumalik na ang taong hinihintay ng may akda, hirap akong maniwala na mangyayari pa ang nais niya.. hindi ko alam kung ano ang tamang ibubulong ko sa langit para sa kanya.. ang alam ko lang, nais kong mahanap niya na lang ang sarili niyang lakas, kahit siya'y nangungulila sa nawalang minamahal.. sana lang, makarating sa langit ang sulat niya...


ewan ko ba.. sana kasi madali lang gawin ang pagpalaya.. sana kasi, madali lang din makalimot..
101010sunday

4 comments:

  1. katulad din ng mga bangkang papel...
    the memories live on so long as umaagos pa ang ilog, ang mga luha, but sooner, the water would envelope that paper boat...

    ... and they shall sink in the past...
    in time.

    hugs for you! :)

    ReplyDelete
  2. sige lang...
    ang letting go gaya ng snail mail mabagal talaga yan bago makarating sa patutunguhan.. siguraduhin mo lang na tama ang address mo para di mag return to sender...
    sige lang isa isang buntung hininga at hakbang ng paa.
    miss na kita, sobra.

    ReplyDelete
  3. can't help but to comment.

    *hirap akong maniwala na mangyayari pa ang nais niya..
    - nakakalungkot naman malaman yan mula sayo pero sana huwag naman kasi maging ako umaasa parin na kahit siya sa sariling nyang paraan ay magagawang makabalik.
    *hindi ko alam kung ano ang tamang ibubulong ko sa langit para sa kanya..
    - siguro lakas na lang ng loob para maghanap, kasi ako sa palagay ko yun din ang kailangan ko.
    * ang alam ko lang, nais kong mahanap niya na lang ang sarili niyang lakas, kahit siya'y nangungulila sa nawalang minamahal..
    - tama! siguro lakas nga.. lakas para maghanap para di na siya mag-iisa.
    *sana lang, makarating sa langit ang sulat niya...
    - o sana dumaan sa panaginip o guni-guni man lang.

    *deep sigh*

    feeling i was the one who wrote the letter.

    *NOW PLAYING: the man who can't move - the script. :)))

    ReplyDelete
  4. @theBoss..

    sooner, the water would envelope that paper boat...
    ... and they shall sink in the past...

    i like that.. i'd wait for that...

    yes, in time..

    @via yang..

    haha.. tamang addressee.. oo, dapat talaga.. dahil kung hindi, hindi lang matinding stop over o relapse ang mangyayari.. panibagong u-turn na naman..

    @anonymous..

    hay.. kaninong mukha ba ang iisipin ko kapag ikaw ang nagsasalita?

    anyway, why have the feeling na ikaw nag sulat? may nawala ba sayo? bakit sya nawala?

    the man who cant move? or the man who cant be moved?

    sana nga, kahit sa panaginip lang dumaan siya..
    maituturing na iyon na malaking biyaya ng langit.. higit pa nga..

    bigsigh..

    ReplyDelete