masaya ako sa araw na ito. nakasalo ko sa hapunan ang dalawa sa mga malalapit at espesyal kong kaibigan, sina Uling (na kasama ang kanyang baby) at si Death and Dying. lalong naging masaya din dahil lutong bahay ang pinagsaluhan namin sa dampa ng riverbanks, sizzling baked tahong, liempong baboy at sinigang na hipon. may ilang segundo rin ang dumaan na naalala kong bigla ang mga taong mahal ko sa kabilang dako ng mundo dahil na rin sa napaparehong luto ng tribo grill.
batid ng langit na gusto ko silang mayakap dahil sa tuwa na makita at makasama sila.
----------------------------
on the other note...
ang totoo, magkahalong excitement at takot ang nararamdam ko dahil doon. excitement in a way na sa isang iglap bigla mong maaalala yung pagkakaibigan ninyo at lahat na patungkol sa nakaraang samahan. takot din in a sense na parang ipinapahiwatig o baka pinapaalala na dumadaan ang araw at umiiksi (at the same time) tumatakbo ang oras at panahon. hai... sa mga oras na ito, hindi ko alam kung anong pakiramdam ang mas nangingibabaw.
gayun pa man, sa bawat mukha kong nakikita na nagpapangiti sa akin, hindi ko rin pinapalipas ang pagkakataon para magpasalamat pa rin sa espesyal na biyayang ito. hindi ko mararok ang ibig ipahiwatig ng mga pagkakataong ito, subalit batid ng puso ko na importante ang bawat minutong dumadaan kaya nararapat lamang ito na pahalagahan.
--------------------------
may nagtanong sa akin kung ano ang paborito kong dasal..
kunin mo O Diyos at tanggapin mo
ang aking kalayaan, ang aking kalooban
isip at gunita ko lahat ng hawak ko, ng loob ko
ay aking alay Sayo..
nagmula Sayo, ang lahat ng ito
muli kong handog Sayo, patnubayan mo't paghariaang lahat
ayong sa kalooban mo mag utos ka Panginoon ko
dagling tatalima ako, ipagkaloob mo lag ang pag ibig mo
at lahat ay tatalikdan ko
--------------------------------
061011friday
No comments:
Post a Comment