Sunday, July 10, 2011

crossROADS

hindi masyadong marami ang sangagdaan (crossroads) ng buhay ko. marahil kasi alam ko talaga simula't sapul kung ano nais ng puso ko.  hindi rin ako madramang tao. sadyang pinahahalagahan ko lang talaga ang mag nilay at makinig sa bulong ng langit at sa tibok na nararamdaman.

sa mahabang panahon, alam ko ang nais ko para sa buhay ko. malinaw din sa akin ang mga daan na gusto kong tahakin. pero mahiwaga nga talaga ang buhay. may nakatakda rin talagang kwento ang Diyos sa atin. dumating ang panahon na nasubok ang aking katahimikan. maaaring hirap o nahihirapan akong tanggapin, pero patuloy na sinusubukan ng sarili na yakapin at pausbungin ang bagyong mga piniling sangagdaan. inaamin kong mahirap. inaamin kong malungkot. inaamin kong masakit pa rin. subalit batid ko na may nakalaang plano ang Diyos para sa akin.

may latak nga ba? buong yakap kong sasabihin na "meron." may mga gusto bang balikan at ayusin? muli kong aaminin na maraming pagkakataon na nagtatanong ako "ano kaya kung?" pakawalan o pausbungin? alam kong iyon ang nais ng langit sa akin. mahirap. may mga panahon na madali, biglang matitigil, tutuloy, babalik sa umpisa, babalik uli. magkaganun man, alam ng langit na sinusubukan ko at ginagawan ng paraan.

MASAYANGbagongLANGIT? oo, darating iyon. at oo, makakarating ako dyan. :)

isinulat070811friday
ignatian spirituality in education workshop (ISEW)
villa consuelo retreat house, caloocan city

ipinaskil071011sunday

No comments:

Post a Comment