naglalakad ako kanina papuntang mrt station.. biglang bumuhos ang malakas na ulan.. nagsimulang magtakbuhan ang mga taong walang payong.. nagulat ako ng biglang may tumabi sa aking matandang babae na may dalang payong.. "bakit di ka nagmamadaling sumilong? para kang namamasyal sa luneta.. hindi ka ba takot magkasakit?"
naramdaman kong tumaas ang kilay ko.. nagulat ako hindi dahil hindi ko gusto ang sinabi niya.. mas nagulat ako na may lakas loob syang kausapin ang isang taong di man niya kilala.. napangiti na rin ako, biglang sagot, "hindi ba ako takot magkasakit? nay, hindi mo alam ang sinasabi mo.."
nagsalubong ang kilay na parang hindi naiintindihan ang wari ko.. binilisan nya ang lakad at tuluyang iniwan ako..
---------
ikaw, takot ka bang magkasakit?
072311sabado

takot siguro...
ReplyDeletenagiging makakalimutin nga ako this past few weeks, *inay* bata pa ako! siguro pagod at may mga bagay na gustong kalimutan kaya pati sa normal na sitwasyon tatanga-tanga kung saan naiiwan ang gamit. =)))
kumusta MYA?
@juannicolas.. dati pa rin ako..not so good,not so bad... getting by... ikaw, mag ingat lagi.. at alagaan sarili.. miss you so..
ReplyDeletekung ako ang iyong tatanungin, hindi ako ganun kasing takong na magkasakit, palibhasa bente-dos pa lang ako at napapalibutan ng mga kamag-anak na doktor at nars. pero kahit papaano, natatakot ako...dahil sa marami akong hindi magagawa at magastos magkasakit ngayon. ;p
ReplyDeletesa ngayon, ayokong dapuan ng sakit, pero mas ayokong sanang dapuan ng pang-matandang responsibilidad, problema at pag-ibig. chos! =p