Tuesday, July 26, 2011

oneHUGGG



 nikki valenciano 
@ 

irisEYES :)

basahin na parang nakikita ninyo akong malayang tumatako/lumilipad dahil sa araw na ito,
isang taon ng tumatakbo ang MYAngligaw..
-------------------
Pilosopong Komikero: hirap ka na ngang huminga, takbo ka pa ng takbo...
(habang nagtatalo sa lrt)
-----------------

dahil ang totoo, sa pagtakbo ko lang buong tapang kayang sabayan ang pagdaan ng panahon.
sa pagtakbo ko lang nararamdaman na kayang kaya kong salungatin ang kapos na pag hinga ko.
sa pagtakbo ko lang nararamdaman na kaya kong harapin ang lagay ng buhay ko ngayon.
sa pagtakbo ko nararamdaman na kayang kaya kong labanan ang ikot ng oras. 

dito, naipipikit ko ang mata ko at buong-buo kong nararamdaman na malaya ako.
dito, nagagawa kong tingnan ang finish line na (may luha man) may matamis pa rin na ngiti.

sa pagtakbo ko nararamdaman na biyayang maituturing dahil naranasan kong mahalin,
at lalong naranasan kong magmahal ng totoo.

------
kamakailan lang ay sinagot ng langit ang isang taon ko ng kahilingan.. hindi man ito buo, taos puso ang pasasalamat na iniiaalay ko..

sapat na para sabihin ko sa langit na handa na ako..


ngayon, mamaya, bukas, o sa susunod na araw,

anytime LORD, be my guest.. :)

072611tuesday (masaya ako.. really.. :) )


the best songs to listen to when one is running is something that would make one fall in love with God, life, people, everything about love and its in-betweens. 
eat.pray.love.run.and love some more. - MYAngligaw2011





One Republic - Good Life Mp3
Mp3-Codes.com

special credits go to SingingHaven for introducing me to this song :)
supper thanks :)

Saturday, July 23, 2011

zeroIDEA

naglalakad ako kanina papuntang mrt station.. biglang bumuhos ang malakas na ulan.. nagsimulang magtakbuhan ang mga taong walang payong.. nagulat ako ng biglang may tumabi sa aking matandang babae na may dalang payong.. "bakit di ka nagmamadaling sumilong? para kang namamasyal sa luneta.. hindi ka ba takot magkasakit?"


naramdaman kong tumaas ang kilay ko.. nagulat ako hindi dahil hindi ko gusto ang sinabi niya.. mas nagulat ako na may lakas loob syang kausapin ang isang taong di man niya kilala.. napangiti na rin ako, biglang sagot, "hindi ba ako takot magkasakit? nay, hindi mo alam ang sinasabi mo.."


nagsalubong ang kilay na parang hindi naiintindihan ang wari ko.. binilisan nya ang lakad at tuluyang iniwan ako..

---------

ikaw, takot ka bang magkasakit?

072311sabado

waxingGIBBOUS




072311sabado

heartSTOPPER

i opened my eyes
i realized i am still alive
i let out a deep sigh
then closed my eyes again

072311saturday

Thursday, July 21, 2011

whiteFLAG

ei God... what now, another surprise for me?
thought its gonna be my safe page?
sino pa ngayon matitira sa akin?

072111thursday

Tuesday, July 19, 2011

theEMMANMONFORT

Emman Monfort by Jed and Cora Yusecoi don't have much to say, but seeing him today really made my day..
he's not the 'supercute-uaap-player' but i love watching him play..
oh my, my heart is smiling wide..
if there's one thing i always look forward every week, it's definitely the uaap saturday game..
i may have a short list of reasons to pull myself up in the morning,
but the thought of seeing him play makes me really excited..

i don't know.. he just look like this little kid who just want to play basketball..
hai.. thank you heaven..

071911 tuesday (oh, its tiusday).. :)

Wednesday, July 13, 2011

jacobsHEART

nakakangiti na ako
nakakatawa na rin
sanay na akong mag isa lang
pero natututo na rin akong yakapin ang mga bagong kaibigan

sinubukan ko na rin ang kumain ng ice cream at ube
pumasok na rin ako ng chowking isang beses
nakakatakbo na rin ako ng hindi sila iniisip

may mga nagbago na rin sa paglipas ng isang taon
may mga bago man
wala pa ring araw na dumadaan na hindi sila naaalala

sa makatuwid,
may mga nagbago man sa ilang bahagi ng buhay ko,
mas marami pa rin ang nanatili.

pano ba Lord? kelan ba ako mapapagod?

071311wednesday (really, is it wednesday? shouldn't i be happy?)

Monday, July 11, 2011

itsWRITTEN

nabanggit ko noon kay Pilosopong Komikero na si Jericho Rosales talaga ang nakatakda para sa akin..

MYAngligaw meets PUSONGligaw..





071110bangagmonday

Sunday, July 10, 2011

trueBLUE

here are some of the highlights of my ignatian spirituality in education workshop..


magandang patubuin na lang dahil iyon ang pinili (sr. reylinda de guzman, rc)


ang mga desisyon natin ang humuhubog sa ating pagkatao. hwag lang hanapin ang Diyos sa lahat ng bagay, bagkus, hanapin ang kalooban ng Diyos sa bawat sitwasyon. (fr. marco louis catalan, sj)


pamplona was ignatius' grace of woundedness (fr. jose quilongquilong, sj)


sanayan lang ang pagmamahal. you cannot build what you do not love, you cannot love what you do not own. (bro tonton, sj)


making a GREEN economy to avoid a RED future - a BLUE initiative. 3 Cs (country, creation, Christ)
(fr. jet villarin, sj)


with team pamplona.. composed of pips from rizal library, admin services, biology, and school of governance.  we scored the highest in this test (still having a hang over from the night socials) :)

some new friends from the community (woh.. doti and i felt we "from hr" need to strengthen linkages - this can be helpful in the future huh! :) ) boys from the grade school were surprised that we also knew how to have fun; ladies from high school and loyola schools were counting the number of times we had our glasses refilled; and pips from the graduate school of business surely were so much fun to be with.

this is the coolest workshop socials ever. jesuit scholastics (bro neil and bro jason) came to join us and served as our bartenders. wooahh! they did really well with the drinks, like professional-cute-bartenders. i had 4 glasses of bay breeze (vodka based drink) and a shot of tequila (as a response to the crowd's request), dotie had tequilla sunrise. i wanted to try sex on the beach, but i was advised to stick to one type of drink only (ok fine). i probably would have crawled up to my bedroom if i went for a 5th round. :) twas a great night. really.

i could not end the workshop without this photo opportunity. i started reading about him even before his installation as university president. i also admire his advocacy with regard to the environment. he did not use any power-point presentation during his talk (now that is something!).   

--------------------------------

i had plans of leaving this place last june, but i told myself i will wait for ISEW and think about it again. now that this workshop is over, i am asking myself so what now? truth is, one thing is clear to me.. i can't work anywhere else but ateneo ("for God and you" ---- "it's the school you choose").

071011sunday

crossROADS

hindi masyadong marami ang sangagdaan (crossroads) ng buhay ko. marahil kasi alam ko talaga simula't sapul kung ano nais ng puso ko.  hindi rin ako madramang tao. sadyang pinahahalagahan ko lang talaga ang mag nilay at makinig sa bulong ng langit at sa tibok na nararamdaman.

sa mahabang panahon, alam ko ang nais ko para sa buhay ko. malinaw din sa akin ang mga daan na gusto kong tahakin. pero mahiwaga nga talaga ang buhay. may nakatakda rin talagang kwento ang Diyos sa atin. dumating ang panahon na nasubok ang aking katahimikan. maaaring hirap o nahihirapan akong tanggapin, pero patuloy na sinusubukan ng sarili na yakapin at pausbungin ang bagyong mga piniling sangagdaan. inaamin kong mahirap. inaamin kong malungkot. inaamin kong masakit pa rin. subalit batid ko na may nakalaang plano ang Diyos para sa akin.

may latak nga ba? buong yakap kong sasabihin na "meron." may mga gusto bang balikan at ayusin? muli kong aaminin na maraming pagkakataon na nagtatanong ako "ano kaya kung?" pakawalan o pausbungin? alam kong iyon ang nais ng langit sa akin. mahirap. may mga panahon na madali, biglang matitigil, tutuloy, babalik sa umpisa, babalik uli. magkaganun man, alam ng langit na sinusubukan ko at ginagawan ng paraan.

MASAYANGbagongLANGIT? oo, darating iyon. at oo, makakarating ako dyan. :)

isinulat070811friday
ignatian spirituality in education workshop (ISEW)
villa consuelo retreat house, caloocan city

ipinaskil071011sunday

Tuesday, July 5, 2011

lifeLINE

[imagesCA2AX9P7.jpg]isang taon na ang bagonglangit.. isang taon na rin si MYAngligaw..

noon pa man ay mahilig na talaga akong magsulat. hindi ko naman sinasabing magaling ako dito, pero lagi itong nag dudulot sa akin ng kapanatagan sa mga panahon at oras na bangag maging ang isip, puso o kaluluwa ko. naging kakampi ko ang pagsusulat sa maraming bahagi ng buhay ko.  masayang kwento man ito, bulong ng pagkabigo, at maging walang kwentang bagay man, ang pagsusulat ay naging paraan para mailabas ko lagi ang totoong nilalaman at bumubuo sa pagkatao ko.

ang bagongLANGIT ay nabuo mula sa pakiramdam na mag isa ako sa bagong mundong ginagalawan ko pagkatapos na mag pasya na iwaanan ang nakagisnang langit.  kasabay din nito ay ang paglitaw ni MYAngligaw pagkatapos ng pasya ni Heat Malaya na matulog ng mahimbing sa mahabang panahon.

isang taon na ang bagongLANGIT.. isang taon na rin si MYAngligaw..


wala pa ring araw na dumadaan na di ko naiisip ang nakasanayang langit. maraming araw at sandali pa rin na nililigaw ako ng sarili kong kaisipan dala ng maraming alaalang binabalik-balikan.

bago ang langit na kinalalagyan ko ngayon. at maaaring ligaw pa rin ako sa ilang aspeto ng bagong buhay ko ngayon.

gayunpaman,

masaya akong bigkasin na marami na akong natutunan sa sarili ko, sa mga taong mahal ko at nagmamahal din sa akin, sa patuloy na biyayang dumadating, sa mga pagkakataon na nagmulat sa akin na mas pahalagahan pa ang buhay..

sa buhay.

isang taon na ang bagongLANGIT. at isang taon na rin si MYAngligaw.


maraming salamat sa mga dumaan at patuloy na dumadaan para sumulyap sa tahanan ng puso ko ngayon.  masaya ako sa bawat pagdaan ninyo. isipin na lamang na sa bawat pag daan ay may pabaon din akong yakap  sa pag alis ninyo sa pahina ko.

bago man ang langit, ligaw man ang maya,
nanatiling isa ang susi, at mananatiling tapat sa laging tibok ng sira kong puso.
see, some things never change.
really.


maligayang kaarawan bagongLANGIT. mas maligayang kaarawan MYAngligaw. 


070511tuesday

Sunday, July 3, 2011

myHEART


“You may not be her first, her last, or her only. She loved before she may love again. But if she loves you now, what else matters? She’s not perfect - you aren’t either, and the two of you may never be perfect together but if she can make you laugh, cause you to think twice, and admit to being human and making mistakes, hold onto her and give her the most you can. She may not be thinking about you every second of the day, but she will give you a part of her that she knows you can break - her heart. So don’t hurt her, don’t change her, don’t analyze and don’t expect more than she can give. Smile when she makes you happy, let her know when she makes you mad, and miss her when she’s not there.”
- Bob Marley-


i never let go, because it's the only thing i know to keep my heart beating. 

070311sunday



Friday, July 1, 2011

beyondSUNSETS

beyond the sunset
no clouds will gather
no storms will threaten
no fears annoy
oh day of gladness
oh day unending
beyond the sunset
forever more
-brock-

i heard this song this afternoon during a funeral service.  a pastor also shared words on death and dying. it was expected that the words came out like assurances that death is something that should not be feared, rather should be something to be grateful because it only means being one with the maker of souls..

he threw a question to the crowd regarding their readiness to join God.. i heard people saying no while i gave out a yes answer.. as the pastor continued with the service, i found my mind wondering (and wandering) in the spacious green lawn of the park and more than a dozen pipits on it.. up above were also the blue skies and white puffy clouds.. i glanced at the members of the family crying.. and my mind went to soar in blankness again..

suddenly, everything was just like zero..


wala lang.. its t.g.i.f after all..

070111friday