Wednesday, July 13, 2011

jacobsHEART

nakakangiti na ako
nakakatawa na rin
sanay na akong mag isa lang
pero natututo na rin akong yakapin ang mga bagong kaibigan

sinubukan ko na rin ang kumain ng ice cream at ube
pumasok na rin ako ng chowking isang beses
nakakatakbo na rin ako ng hindi sila iniisip

may mga nagbago na rin sa paglipas ng isang taon
may mga bago man
wala pa ring araw na dumadaan na hindi sila naaalala

sa makatuwid,
may mga nagbago man sa ilang bahagi ng buhay ko,
mas marami pa rin ang nanatili.

pano ba Lord? kelan ba ako mapapagod?

071311wednesday (really, is it wednesday? shouldn't i be happy?)

4 comments:

  1. pagod kana kaya pero ang puso mo alam kong kailanman ay hindi mapapagod. n____n

    ReplyDelete
  2. @nicoloo... haha.. marahil hindi nga napapagod ang puso.. hehe.. pero nanghihina ito physically.. :) miss you necu..:(

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. ayeeeeee.nakakakilig!!!
    i wonder who jacob is.hope to meet him soon.XD

    ps.
    take extra care of your ♥,ok?ingat!Ü

    ReplyDelete