Wednesday, December 15, 2010

nineMORNINGS

may mga naka schedule na anticipated mass para sa simbang gabi. pero sinabi ko sa sarili ko na kakayanin kong sa umaga ako mag sisimba.  aaminin ko, may malaking dahilan ako kung bakit ko gustong mabuo ang siyam na araw na iyon. alam din naman ng puso ko kung ano talaga ang dahilan kung bakit tayo may simbang gabi.  pero aaminin ko pa rin, na maliban sa tunay na diwa ng simbang gabi, paraan ko ito para mas lalong ibulong (isigaw na pala) sa langit ang nag iisa kong hiling bago man matapos ang taong ito.. 

hindi labis ang hinahangad ko... naniniwala lang ako na sa likod na makapal na usok sa bagong langit ko, ay ang natatangi pa ring langit na kinasanayan ko.. 

hindi labis labis ang hinahangad ko... isang hiling lang.. isang araw man, isang oras, o kahit isang minuto lang..

121510wednesday
(oo, wednesday ngayon.. sana, lucky day ko)

No comments:

Post a Comment