sa kabilang banda naman ay nalungkot ako na makita si lauro vizconde.. gaya ng nabanggit sa ulat, walang bakas ng pasko ang makikita sa kanyang tahanan.. nalulungkot ako para sa kanya.. iniisip ko pa rin hanggang ngayon kung kelan siya huling humalakhak ng totoo.. iniisip ko din kung may katahimikan na ba siya sa puso niya pagkalipas ng maraming taon..
naisip ko uli, kung ako si hubert webb, masasabi ko ba talagang buo sa sarili ko na wala akong nagawang mali.. kung wala nga, makakatulog kaya akong mahimbing dahil sa binigay sa aking kalayaan..
naisip ko din si lauro vizconde.. hindi ko alam kung papano ko isasalarawan ang nararamdaman niya.. naka pag move on na kaya siya after all that happened.. masisilayan pa kaya ng tao ang mga mata niyang minsan ay naging masaya.. ano kaya ang sinabi niya sa Diyos matapos binigay ang hatol sa mga napawalang sala sa pangyari?
ewan ko.. pero twing nakikita ko silang pareho sa tv, hindi ko alam kung ano ang mas mangingibabaw sa kalooban ko..
bulong sa langit ngayon na sana ay makuha din nila pareho ang katahimikan na hahanap hanapin ng isang kaloobang minsan ng nasaktan at nakulong na dala ng kahapon...
121820saturday
No comments:
Post a Comment