Friday, January 28, 2011

wrongFLIGHT

sabi nila, bumitaw daw ako
sabi nila, pinutol ko daw ang mga linya
sabi nila, ayaw ko ng kausap

sabi ko naman,
tama nga sila
totoo nga naman

pero, humakbang na akong muli
pinagalaw na ang mga daliri, binuksan na ang mga palad
pati mata, pati tenga, pati bibig
isinali pati na din ang puso

humakbang uli, ngumiti sa haring araw
humakbang uli, humawak sa nakagisnang mga kamay
humakbang uli, yumakap sa mga hinahanap-hanap na langit

nag hintay nag hintay nag hintay
wala naman sila

umasa umasa umasa
wala pa rin sila

umaasa umaasa umaasa
baka bukas

aasa aasa aasa
oo, baka bukas

ito lang ang u-turn na pinili ko ng buong puso
pero wala naman sila

ang daya naman lord
ang daya naman nila
friday pa naman ngayon

012811friday

No comments:

Post a Comment