
buwan daw ngayon ng mga puso.. sinabi ko kay Teddy Bear na hindi ko kailangan makipag date kasi meron ng may ari ng puso ko.. haha.. totoo naman iyon.. kaya magiging masaya din ako sa buwan na ito.. :)
pero hindi para sa akin ang sinusulat kong ito.. sa pagkakataong ito, nais kong ipakilala sa inyo ang isang anghel na malapit sa umiibig kong puso.. nabanggit ko na siya sa ilang blog entry ko.. nararapat lang na ibigay ko ang pahinang ito sa kanya dahil isa siya sa patuloy na nag papaalala sa akin na masayang mabuhay at lalong masaya ang mag mahal.. patuloy na nagpapaalala sa akin na maikli ang buhay para hindi ipakita sa mga taong mahalaga sa akin na mahal ko sila.. at patuloy na nag papamangha sa kayang gawin na isang pusong marunong magmahal (buo man ito o may taglay na sugat, okay man ito o may dinaramdam)..


meet sophie and her parents during one of their quality time together..
020611sunday
i love this entry :-)
ReplyDeletei await for the day that you'll be ready to spread your wings again and fly in the air of love. meantime remain brave in loving and loving more.
hugs.
@via yang..
ReplyDeletethanks.. oh, dont worry, i have started to spread my wings, and doing some flapping too.. (in the air of love) yah, i different stroke of love perhaps..
hugs :)