Wednesday, November 3, 2010

christmas2010

nagulat ako ng makita sa lobby ng unit namin ang malaking christmas tree kanina... oo nga pala, malapit na ang pasko..

habang hinihintay ang elevator, at habang nakatingin sa punong may tila mga ilaw ng alitaptap, napaisip ko.. wala yatang pinagkaiba ang pasko ko nung nakaraang taon sa darating na pasko ngayon.. ayaw kong isipin na mas yayakapin ko na naman ang kalungkutan ko sa pagkakataong ito, pero sisikapin kong mas gunitain ang pasko na yakap ng tunay nitong diwa..

tama, ang pasko ay para kay Hesus.. ang pasko ay para sa mga bata.. gagawa ako ng paraan para matabunan ang anumang lungkot na meron sa buhay ko ngayon.. at babaunin ng paulit ulit ang sabi ni Seth.. "hindi man buo, hindi man kumpleto, pwede pa rin maging maligaya.."



happy christmas everyone..
happy wednesday Boomerang..


110310wednesday

2 comments:

  1. Advance Merry Christmas!

    Ipagdiwang ang tunay na diwa ng pasko.
    Let's spread love everyday kahit hindi pasko :)

    ReplyDelete
  2. I have another blog ate,

    shenacario23.blogspot.com

    ReplyDelete