its my 101th day sa bagong lungga, at buo kong sasabihin na "it was a bad day"... pero dahil espesyal pa rin sa akin ang numerong ito, gagawin ko pa rin ang blog na ito in tribute to my survival days.. :)
happyMYA
-pinili kong manatili sa trabahong ito kahit aminado ako na ilang linggo ko din noon iniisip na umalis dito.
-masasabi ko naman na kahit papaano, nakukuha ko na ang buong proseso ng trabaho ko.
-masaya ang umpisa ng araw na may mensahe ka galing sa mga malalapit na kaibigan..
-hindi lang ako ang bago sa lungga, kaya hindi lang ako ang nahihirapan.. (toinks)
-kahit mag isa pa rin ako kung kumain ng tanghalian, sanay na ako at wala na akong pakialam kahit pakiramdam ko ay mag isa lang ako sa mundo.. (toinks na naman)..
-malaking biyaya na ang bumubuo ng recruitment team ko ay talaga namang mababait at matyaga akong tinuturuan sa mga dapat kong gawin..
-at sa mga oras na may katakot-takot akong nagawang mali, biyayang maituturing na handa ang mga kasama kong harangin ang dagundong ni Reynang Kidlat..
-mahigit isang daang katao na rin ang nakapasok sa mga inendorso ko..
-mahigit isang daan na rin syempre ang na interbyu ko..
-nakakawiling panoorin ang mga kasamahan ko sa lungga.. iba't ibang dekada kasi, may 50s, 40s, 30s, at 20s.. masayang unti unting natutuklasan ang kagandahan (at kahinaan din) ng bawat isa..
-may mga bago rin akong natutunan sa excel..
-at marami na rin akong alam sa huris..
-naka business attire ako lagi, at mataas ang takong ng sapatos ko..
-hindi na ako naiinis kahit parating hirap makuha ng mga kausap ko sa telepono ang pangalan ko.. hindi nga ako si mickey o vicky.. (super toinks naman o!)..
-bongga pag may kainan sa lungga.. as in bonggang bongga..
-umaapaw ang supply ko ng tissue, kung pwede lang iuwi ko na lang sa bahay..
-kahit wala na ako sa dating lungga, dinala ko pa rin dito ang color coding ko.. kulay ng mga ballpen ko, post its, folders, pati mga control sheets ko..
-gumawa din ako ng sarili kong mga slips (call slips, endorsement slips, appointment, etc)..
-at ako lang ay may maraming pictures sa desk ko (kasi hindi nila nakikita)..
sad/stubbonMYA
-halos lahat ng hindi dapat gawin sa recruitment rules namin nabalga ko na.. as in major major
-sabi ng boss ko kanina dahil may nagawa na naman akong mali "strike 2 ka na, what happens after strike 3?" sabi ko "it depends".. sabi niya "no, it means you're out.. in baseball, strike 3 means out, walang it depends.." (kaya umuwi akong umiiyak, imagine, i only have one room for mistake?).. :(
-nawiwindang pa rin ang araw ko kapag nakikita kong naka kulay ube ang mga iniinterbyu ko..
-kumakabog din ang dibdib ko kapag may mga aplikante na hindi ko gusto ang pangalan (isang beses, may tinapon ako.. - pero hindi naman na talaga siya pwede-) :) naaalala kong may panahon noon na sa isang linggo lang, pare pereho ang pangalan ng mga aplikante.. (aba, pinaglalaruan ba ako ng langit, gayong batid ko naman na hindi pang karaniwan ang mga pangalan na iyon sa mundo).. (super toinks)..
-kahit bongga ang pagkain sa lungga, dahil baguhan pa rin ako, hindi ko magawang lumamon ng todo.. hay..
-careless pa rin ako sa ibang detalye.. at kapag nangyayari iyon, parang gusto ko ng tumakbo pauwi sa takot..
-kapag walang nakatingin, tinatapon ko ang mga kulay ube na paper clips at fastener..
-at kapag may ipinasa sa akin ang casual namin na papeles na dapat kong gawin at may paper clip na kulay ube, binabalik ko at pinapapalitan kong ibang kulay.. (sira ulo)..
-wala pa rin araw na dumadaan na hindi ako natitigil bigla at ibubulong ang ilang pangalan, ipipikit ang mata, at magpapakawala ng malalim na buntong hininga..
-may mga panahon pa rin na tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon.. hindi ko pinagsisisihan ang nagawang desisyon, maliban sa isa..
-marami na akong nagawang palpak sa trabaho ko (at bahala na kung saan ako nito ililipad muli)..
may ilan siguro na hindi ko pa naisulat, pero okay na din para may paalala ako sa sarili ko na may mga nangyayaring tama sa buhay ko.. may napapasalamin kung ano na ang estado ko ngayon, at kung ano ang mga nararapat na gawin sa pagpapatuloy..
it was a bad day.. good thing is, it rained.. been waiting for rain para magamit ko ang bago kong payong.. see through kasi sya.. kaya kanina pauwi, mas nawili akong tingnan ang bawat patak ng ulan sa payong ko kesa sa mga taong kasalubong, at kalsadang dinadaanan.. i am starting to believe that rain really comes in drops rather than in strings..
its my 101th day, good news, bad news..shit really happens..
but really, who knows?... strike 3 or whatever, bilog ang buwan, bilog ang araw..
111010wednesday
(oh, its wednesday pala)
hay...
ReplyDeleteilang ulit ko na binasa ang entry mo na ito...
may lungkot na kasama ang aking buntong-hininga
pero may pag-asa rin ang kirot ng aking puso--
in your moments of doubts, loneliness and fears
i truly believe that you are a strong fighter maya. your courage comes from your capacity to face the bad days and more, from your power to look deeply what is in your heart.
discern and pray harder...
**hugs**
ei viayang.. missed you already.. thought you'd never drop by..
ReplyDeleteah, about the blog, it was indeed a bad day, but surprisingly, i was in a good mood writing about it.. haha.. weirdMYA..
i know im lonely still,
but unlike before, i dont get bothered by it too much.. maybe im used to it already that somehow im too familiar with the feelings na..
on the other hand,
id like to believe that my prayers are working..
i guess praying the rosary everyday is creating a fuss sa langit na pakinggan na ako..
well, i still know the beating of my heart, but its peaceful in a sense.. praying that i can still choose to stay, and yet be happy.. choose to cup my hands, and still be happy..
i know its possible..
its called magic..
btw, jam is here...
and i wonder why ilang ulit mo tong kailangan basahin... low gets ka na ba? o you find me pathetic na?
weeeh... strawberry fields forever! jam told me punta sya dyan. weeeh...nagkita kayo?
ReplyDeletehindi pa naman ako lg, mabilis pa rin mag process ang neurons ko hahaha. i have to read it several times kasi 'di ko lang gusto maintindihan ang bawat salita, gusto ko rin sila maramdaman. in that way maybe i'll be able to understand you more and empathize. to be honest with you, you may look pathetic to others but i always recognize the courage that you have. you are fighter, your strength emanates from your capacity to be true to yourself.
i keep you in my prayers :-)
hope to see you soon.
im starting the Christmas countdown.
yah, maybe others are finding me pathetic na?
ReplyDeletechristmas countdown? im not really counting down.. but funny, i always seem surprised everytime "mel tiangco" would reveal sa 24 oras the remaining days til christmas.. haha..
and going back.. yah, i don't find myself pathetic as well... i know i'm not so okay, and i embrace it.. i let things be and i embrace it even more.. i'm taking my time... in God's time, all shall be well..
hindi pala kami nagkita..