Thursday, November 11, 2010

thirdDELIVERY

para kay Clearwater
sabi sa akin ng isang kaibigan noon, isa daw akong tsinelas (banana peel lang, hindi havainas o ipanema).. :) tsinelas daw kasi kahit mag bago ng paulit ulit ang itsura ng mga sapatos, hahanap hanapin pa rin ng ating mga paa ang tsinelas.. maliban doon, tsinelas din ang mas ginagamit pag tag ulan kesa sa sapatos.. ganoon din ang tingin ko saiyo.. maraming tsinelas sa buhay ko, pero ikaw ang paborito ko.. malayo man ang bagong langit ko ngayon, alam ng puso ko na babalik at babalik ako sa luma at pinakamahal kong langit sa lahat.. at sa tuwing babalik ako, hindi maaaring hanapin ko ang tsinelas ko.. kagaya ng buwan na hindi ko man nakikita dito, batid ng langit na hinahanap ko pa rin ito..

para kay Teddy Bear
minsan lang magsalita pero kapag nagtanong siya, siguradong nag hahanap siya ng sagot na dapat din ay maiintindihan niya.. minsan lang magsalita, pero mararamdaman ng bawat nalulumbay na puso ang nais ibahaging pagpapahalaga.. minsan lang magsalita, pero alam mong maaari siyang maging isang tapat na kaibigan.. isang araw ng katamaran ang nais kong ibahagi saiyo.. isang araw na walang iisipin kundi ang kumain at magbahagi ng masasayang kwento ng buhay.. isang araw na hihiga lang sa damuhan kasama ang ilang kaibigan at panonoorin ang sayaw ng mga dahon sa puno at ang pabago-bagong anyo ng mga ulap.. isang araw ng parang "wala lang" pero alam ninyong masaya kayo sa dumadaan na oras.. katulad na buwan, minsan man ay umaga at maliwanag na, pilit pa rin na ipinapakita ang kanyang sarili para hintayin o di kaya'y makipagsabayan sa paparating ng sinag ng araw..


para kay Smiling Eyes
nakita ko ito sa isang tindahan malapit sa aming tahanan.. nawiwili ako ngayon sa mga gamit na may ganitong  itsura.. marahil ay ito kasi ang hanap ng aking puso ngayon, ang totong mga ngiti at wagas na halakhak.. palagi mo kong pinapaalalahanan na ngumiti kahit nalulumbay.. at twing nababasa ko ang mga mensahe mo, kung minsan man ay hindi buo ang mga ngiti ko, gusto kong malaman mo na sumasaya ako kahit paano.. malaking bagay iyon para sa isang nag aaral na mabuhay muli.. kagaya ng bagong buwan ko ngayon, iba man ang kulay niya at hindi man siya ang totoong buwan na nasisilayan sa langit, napapasaya niya rin ako kahit paminsan minsan lang..


may laman pa rin ang sako..
hanggang sa susunod na kwento..

111010wednesday

No comments:

Post a Comment