isang daang taon para kay ori.. halos hindi ko namalayan ang bilis ng takbo ng naging araw.. marahil ay dala na rin ng maraming ginawa sa trabaho.. pero sadyang hindi maiiwasan na hindi maalala at maramdaman ang konting lungkot lalo na sa oras ng pag uwi at muling mag isa..
konting lungkot, tama, konti lamang.. hindi ko lubos maintindihan, pero iyon ang nararamdaman ko.. isang biyaya na mas nanaig ang kagaanan ng pakiramdam sa halip na maalala ang malaking pagkawala..
masaya ako na naabutan ko pang bukas ang simbahan sa tapat namin.. at sa pagpasok ko, malaking buntong hininga ang kumawala sa akin.. isang pasasalamat.. isang hiling pa rin..
naalala ko, tatlong kandila ang lagi kong sinisindihan ng halos apat na buwan.. tatlong kandila para sa tatlong kahilingan.. nitong nakaraang buwan, isang kandila na lamang ang sinisindihan ko.. isang kandila, para sa isang malaking kahilingan..
nararamdaman kong ibibigay Niya iyon.. narararamdaman ko, dahil iyon ang sinasabi ng puso ko..
baliktad ang puno ng pasko ko ngayon.. walang pinagkaiba sa nakaraang dalawang pasko.. pero kahit baliktad ito, nararamdaman kong maaari ko itong lagyan ng mas marami pang kulay.. at sa paraang iyon, mapapaalala ko sa sarili ko kung ano ang tunay na diwa nito..
darating Siya dahil siya ang pinaka bigay ng langit sa atin..
at darating siya dahil siya ang binigay ng langit sa akin..
112510thursday
No comments:
Post a Comment