Sunday, November 21, 2010

memoryLANE

dinala ko si Pilosopong Komikero sa isa sa mga paborito kong lugar dito sa amin.. simple lang ang mga hain na pagkain, tahimik at nagbibigay ito ng pakiramdam na parang nasa bahay ka lamang.. maaari ka rin pumili ng gusto mong panoorin na pelikula habang wala pa ang kanilang mang-aawit..

naging masaya ang salo-salo namin kasama ang aking nakababatang kapatid.. marahil dahil sa pagod kakalangoy o dahil na din siguro sa masarap ng lasa ng pagkain, hindi nag dalawang isip ang Pilosopo na humingi pa ng dagdag na dalawang mangkok ng kanin (para lang iyon sa kanya).. nararapat lang naman gayong unlimited naman ang supply ng kanilang kanin..

nag simulang tumugtog ang gitara, biglang nagbukas ng mga alaala sa amin.. may buntong hininga sa pagitan ng mga kanta.. malalim, ngunit ramdam ko na ito'y masaya..

Munting Tinig - sa bawat tunog na nagmumumula sa gitara, tinig mo ang aming naalala.. napangiti kami, dahil wala pa rin talagang tatapat sa ganda ng bawat awit mo (kabisado mo man o hindi ito :) )..

True Colors - habang pinakikinggan namin ang awit, hindi namin naiwasan na maalalang muli ang ORSEM natin.. nakakaiyak na nakakataba ng puso ang mga alaala.. si Matamis na Mansanas.. si Bolang de Kanto.. ang mga bumubuo ng lumang grupo..

SnoreLaughing - parang ikinahihiya ako ni Pilosopong Komikero dahil panay ang tawa ko sa pelikulang nakasalang.. mukhang ako lang daw kasi ang interesadong manood.. maaari daw akong tumawa sana, hwag lang sa paraan na iyon.. muli, naiisip ko na sana ay kasama ko si Tinig, baka sa ganun, hindi na mahiya ang Pilosopo.. :)

may babae na pumunta sa unahan para kumanta.. pinakinggan namin.. sintunado siya.. syempre, naalala ko bigla si Seth.. hindi ko na kailangan pang ipaliwanag..

light and shade - natawa ako bigla noong narinig ko ang kanta.. isang tao sa nakaraan ang biglang pumasok sa alaala.. hindi pa kami noon lubusang magkakilala.. pero iyon daw ang alay niyang awitin sa akin.. isang imbitasyon na matutong tumaya muli.. (tumaya nga naman ako, pero siya pa rin ang nagpatalo sa huli.. bwiset!).. :)

i'll be at your side - masaya ang mga ngiti ko habang sumasabay sa awiting ito.. naalala ang mga kaibigan na patuloy na nandyan para sa akin.. kasabay nito, naalala ko din ang mga taong hindi ko man kinakausap, malinaw sa puso ko ang papel at halaga nila sa buhay ko.. family feud, berdeng ibon, via yang, seth, pilyong querubin, clearwater, pusong matapang, free spirit, batang bubuwit, tinig, maputlang seraphim, smiling eyes, bolang de kanto, china, teddy bear, RuSSian river, scared clown, boomerang, si pipi't bingi, dancing shoes, wisdom tooth, pilosopo tasyo..

leche flan - matagal kong tiniis na huwag kumain nito.. pero dahil masaya ako humingi ako sa waiter ng kalahati nito.. hinati ng waiter sa halos labing-anim na maliliit na piraso.. labing lima ang kinain ko, kalahati noong natitirang isa ang kinain ng Pilosopo... tapos naiisip ko, hindi siya masyadong masarap. :)

i am so much stronger now... napangiti ako ng marinig ko ang mga salitang iyon sa saliw ng isang awitin.. alam kong sa marami din na bagay ay naging matapang ako.. aaminin kong hindi pa rin mabilis ang takbo ng Mya, pero darating ang tamang panahon na lilipad rin itong muli at babalik sa isang pusong malaya..  sa tamang panahon, aawitin ko rin ang kantang ito..

saglit lang, nararamdaman ko na ang sakit ng aking katawan..
okay lang,
masaya pa rin ang sabadong ito..
at hindi man ako inlove kagaya ni Seraphim..
sabi nga ni Pusong Matapang,
naging masaya ang araw na ito para sa akin..

matutulog akong mahimbing..

102010sabado

7 comments:

  1. Nakalimutan mong banggitin na sumilip muli sa atin ang napakagandang buwan. Salamat sa oras.

    Hanggang sa muli.

    ReplyDelete
  2. "(kabisado mo man o hindi ito :) )."
    haha

    ReplyDelete
  3. @pilosopongkomikero.. nabanggit ko iyon sa "saturdayAFTERNOON".. :)
    maaga ka atang nagising.. :)

    @rexstatic..
    naalala ko kasi yung kumakanta siya at hindi niya kabisado yung kanta.. ... haha.. point is, i still adore her voice, as much as i adore the moon.. :)

    ReplyDelete
  4. ate mya. natutuwa ako habang binabasa blog mo..di ko alam kung bakit..pero masaya ako para sayoo..dahil siguro naramdaman kong masaya ka dito kaya ganun narin siguro naramdaman ko...salamat at lumalakas kana... palakasin pa ang pakpak..lilipad ka rin ulit..hahahah

    ReplyDelete
  5. @matangmulat..

    maybe i'll get there.. :)

    ReplyDelete
  6. eto ba ate yung nasabi mo sa akin
    na nagswiming kayo ni pilosopo.

    masaya akong nangyayari ang mga yan sa'yo.
    masaya ako para sa mga masasayang nagyayari sa'yo.

    masaya ako para sa MYang malapit ng mahanap ang kanyang tahanan sa bagong langit. sana :)

    ReplyDelete
  7. yap.. yung nag swimming kami at nagulat dahil nagpakita ang buwan.. at pagkatapos ay nanood ng concert ng boyz2men.. haha.. :)

    nahanap ko na nga ba?
    mmm.. ill say mmmm...

    salamat simplixiety..:)

    ReplyDelete