Tuesday, November 30, 2010

upperBOX

a welcome hug
a hearty breakfast
2 fat pigs and a bird
long walk
waiting time
taxi ride
check in
upperbox
one hotdog sandwich and
one cheeseburger each
first pba experience
i won
he lost
he was neutral
dinner
another pig comes in
beautiful chrismtas tree
check in
birthday surprise
sleep
yummy breakfast
sleep again
check out
icescramble
bus ride
mind games
mind games
mind games
super late lunch
mind games
mind games
mind games
sad wind
quiet moments
mind games
dinner time
sad wind
quiet moments
mind games
score 4-4-3
they won
i lost
big sigh
big hug
big sigh
see you later


113010tuesday

number2476

my third run..
for knowledge..
for the youth..
and for all the kids
who all deserve a good education and a wonderful christmas..

new found running buddies
it feels so great to have new running buddies for this race (although of course, i wanted to have heartbeat running with me as well).. feels good to be influencing some people to start running too.. they ran for the 3k while i decided to stick with the 5k category (i told myself i won't advance until i don't meet my target time).. :)

it was so far the most difficult route for me, but i enjoyed every phase of the race specially running towards the skyway while the sun is starting to show up.. tiring but really a wonderful feeling..

i knew i would finish longer than my target time because of the difficult route.. but as i was about to reach the finish line, up in the sky was a plane of the philippine airlines.. hmm, aboard that plane must be Seth.. i let out a big smile.. and a happy sigh :)

i failed to beat my past race results.. it's okay, it's still the running that matters..
and i am glad that my new friends enjoyed their first marathon..

rank324 bib2476 time0:45:42 distance5 genderF agecategoryC

another accomplishment for Myangligaw on the run..
eat pray run.. :)

113010tuesday

Saturday, November 27, 2010

runningSHOES

waiting for my third run..
this time, for the kids of christmas.. : )

nag text si via yang, may padala daw s'yang transformer toy para sa isa sa mga batang may kanser na hinahanap ko ng mga laruan.. baka may gustong magpahabol.. : ) (na excite ako sa laruan.. salamat)

112710saturday

quietSURPRISES

kaarawan ngayon ni chubs pero bakit parang ako ang nakakuha ng maraming sorpresa..

tumunog na ng ilang beses ang telepono ko.. hindi ko masagot dahil marami akong ginagawa.. dahil makulit ang telepono, tiningnan ko kung kaninong pangalan ang masisilayan ko.. nanlaki ang mata ko.. ang asawa ni Zaido napatawag.. dapat ko daw siyang makita dahil may mga padala ang  nanay na Amazona...

marami nga.. toasted siopao, monggo bread, japanese hopia, at hopia de pina..
ayokong makipagkita kay Gurong R, baka mang-asar lang iyon at ikalungkot ko pa.. (kaniguan..)..

habang papunta sa tagpuan, nanlaki na naman ang mata sa taong nasalubong.. ang dating kapitbahay si babyJay.. nagawa naming mag kwentuhan ng maikling oras.. at sa lahat ng pwde niyang banggitin.. "uy, member si (     ) ng org ko.." mmmmm.... (napangiti).. ahh talaga? oo, he writes really well... really well... para nga sa kanya itong hawak kong bola ngayon.."  : )

pumunta ng mall, bumili ng pagkain at umuwi sa aking lungga..

tumunog ang telepono.. walang pangalan.. nagdalawang isip na sagutin.. sinagot  pa rin..
"hello ate.. si (    ) ito, kasama ko si (       ).. magpakita ka na.. promise hindi ka malulungkot."
nakita ko sila.. masaya din naman ako.. pero aaminin kong may mga minutong dumaan na hindi ko alam ang aking sasabihin.. pero masaya pa rin.. we were here.. 

maghahating gabi na.. may nagtext.. "ate, punta kami dyan sa linggo.." si Dahdah, ang lalakeng nag paiyak sa akin noong nakaraang orsem.. : )

antok na ako.. ipipikit ko na ang mata ko.. tahimik na ang gabi.. wala na rin ilaw ang pekeng buwan.. narinig ko ang puso ko.. tama bang nagpakita (o magpapakita) ako sa kanila?  : )

(buntong hininga).. bumulong ng dasal at ipinikit ang mga mata..
tapos na ang araw.. sabado bukas..
at malapit na din ang linggo..
kaarawan ngayon ni chubs.. 
alam kong masaya siya..
ako,
masaya din naman..

112610friday

Thursday, November 25, 2010

honeyGLAZED

hindi man ikaw ang pinaka mahalagang tao sa  buhay ko, hehehe...toinks.. (sunday conversation), :)
i can only thank God everyday for the friendship extended..

here's a ticket to enjoy philippines' top quality feeds and world class alcoholic beverage..
happy birthday to my-secret-keeper..
happy birthday chubs..

112510thursday
(advance greeting na ito)..

eyesCLOSED

isang daang taon para kay ori.. halos hindi ko namalayan ang bilis ng takbo ng naging araw.. marahil ay dala na rin ng maraming ginawa sa trabaho.. pero sadyang hindi maiiwasan na hindi maalala at maramdaman ang konting lungkot lalo na sa oras ng pag uwi at muling mag isa..

konting lungkot, tama, konti lamang.. hindi ko lubos maintindihan, pero iyon ang nararamdaman ko.. isang biyaya na mas nanaig ang kagaanan ng pakiramdam sa halip na maalala ang malaking pagkawala..

masaya ako na naabutan ko pang bukas ang simbahan sa tapat namin.. at sa pagpasok ko, malaking buntong hininga ang kumawala sa akin.. isang pasasalamat.. isang hiling pa rin..

naalala ko, tatlong kandila ang lagi kong sinisindihan ng halos apat na buwan.. tatlong kandila para sa tatlong kahilingan.. nitong nakaraang buwan, isang kandila na lamang ang sinisindihan ko.. isang kandila, para sa isang malaking kahilingan..

nararamdaman kong ibibigay Niya iyon.. narararamdaman ko, dahil iyon ang sinasabi ng puso ko..

baliktad ang puno ng pasko ko ngayon.. walang pinagkaiba sa nakaraang dalawang pasko.. pero kahit baliktad ito, nararamdaman kong maaari ko itong lagyan ng mas marami pang kulay.. at sa paraang iyon, mapapaalala ko sa sarili ko kung ano ang tunay na diwa nito..

darating Siya dahil siya ang pinaka bigay ng langit sa atin..
at darating siya dahil siya ang binigay ng langit sa akin..

112510thursday

Monday, November 22, 2010

happinessIS

Drea-ea-ea-ea-eam, dream, dream, dream
Drea-ea-ea-ea-eam, dream, dream, dream
When I want you in my arms
When I want you and all your charms
Whenever I want you, all I have to do is
Drea-ea-ea-ea-eam, dream, dream, dream

When I feel blue in the night
And I need you to hold me tight
Whenever I want you, all I have to do is
Drea-ea-ea-ea-eam 


all i need to do is dream... : )
I can make you mine, taste your lips of wine
Anytime night or day
Only trouble is, gee whiz
I'm dreamin' my life away

I need you so that I could die
I love you so and that is why
Whenever I want you, all I have to do is
Drea-ea-ea-ea-eam, dream, dream, dream
Drea-ea-ea-ea-eam


112210monday

Sunday, November 21, 2010

novemberMOON

sunday's full moon,
will be a blue moon..
check out the skies tonight..

take a closer look simplixiety,
can you not see him?

112010sunday

memoryLANE

dinala ko si Pilosopong Komikero sa isa sa mga paborito kong lugar dito sa amin.. simple lang ang mga hain na pagkain, tahimik at nagbibigay ito ng pakiramdam na parang nasa bahay ka lamang.. maaari ka rin pumili ng gusto mong panoorin na pelikula habang wala pa ang kanilang mang-aawit..

naging masaya ang salo-salo namin kasama ang aking nakababatang kapatid.. marahil dahil sa pagod kakalangoy o dahil na din siguro sa masarap ng lasa ng pagkain, hindi nag dalawang isip ang Pilosopo na humingi pa ng dagdag na dalawang mangkok ng kanin (para lang iyon sa kanya).. nararapat lang naman gayong unlimited naman ang supply ng kanilang kanin..

nag simulang tumugtog ang gitara, biglang nagbukas ng mga alaala sa amin.. may buntong hininga sa pagitan ng mga kanta.. malalim, ngunit ramdam ko na ito'y masaya..

Munting Tinig - sa bawat tunog na nagmumumula sa gitara, tinig mo ang aming naalala.. napangiti kami, dahil wala pa rin talagang tatapat sa ganda ng bawat awit mo (kabisado mo man o hindi ito :) )..

True Colors - habang pinakikinggan namin ang awit, hindi namin naiwasan na maalalang muli ang ORSEM natin.. nakakaiyak na nakakataba ng puso ang mga alaala.. si Matamis na Mansanas.. si Bolang de Kanto.. ang mga bumubuo ng lumang grupo..

SnoreLaughing - parang ikinahihiya ako ni Pilosopong Komikero dahil panay ang tawa ko sa pelikulang nakasalang.. mukhang ako lang daw kasi ang interesadong manood.. maaari daw akong tumawa sana, hwag lang sa paraan na iyon.. muli, naiisip ko na sana ay kasama ko si Tinig, baka sa ganun, hindi na mahiya ang Pilosopo.. :)

may babae na pumunta sa unahan para kumanta.. pinakinggan namin.. sintunado siya.. syempre, naalala ko bigla si Seth.. hindi ko na kailangan pang ipaliwanag..

light and shade - natawa ako bigla noong narinig ko ang kanta.. isang tao sa nakaraan ang biglang pumasok sa alaala.. hindi pa kami noon lubusang magkakilala.. pero iyon daw ang alay niyang awitin sa akin.. isang imbitasyon na matutong tumaya muli.. (tumaya nga naman ako, pero siya pa rin ang nagpatalo sa huli.. bwiset!).. :)

i'll be at your side - masaya ang mga ngiti ko habang sumasabay sa awiting ito.. naalala ang mga kaibigan na patuloy na nandyan para sa akin.. kasabay nito, naalala ko din ang mga taong hindi ko man kinakausap, malinaw sa puso ko ang papel at halaga nila sa buhay ko.. family feud, berdeng ibon, via yang, seth, pilyong querubin, clearwater, pusong matapang, free spirit, batang bubuwit, tinig, maputlang seraphim, smiling eyes, bolang de kanto, china, teddy bear, RuSSian river, scared clown, boomerang, si pipi't bingi, dancing shoes, wisdom tooth, pilosopo tasyo..

leche flan - matagal kong tiniis na huwag kumain nito.. pero dahil masaya ako humingi ako sa waiter ng kalahati nito.. hinati ng waiter sa halos labing-anim na maliliit na piraso.. labing lima ang kinain ko, kalahati noong natitirang isa ang kinain ng Pilosopo... tapos naiisip ko, hindi siya masyadong masarap. :)

i am so much stronger now... napangiti ako ng marinig ko ang mga salitang iyon sa saliw ng isang awitin.. alam kong sa marami din na bagay ay naging matapang ako.. aaminin kong hindi pa rin mabilis ang takbo ng Mya, pero darating ang tamang panahon na lilipad rin itong muli at babalik sa isang pusong malaya..  sa tamang panahon, aawitin ko rin ang kantang ito..

saglit lang, nararamdaman ko na ang sakit ng aking katawan..
okay lang,
masaya pa rin ang sabadong ito..
at hindi man ako inlove kagaya ni Seraphim..
sabi nga ni Pusong Matapang,
naging masaya ang araw na ito para sa akin..

matutulog akong mahimbing..

102010sabado

Saturday, November 20, 2010

saturdayAFTERNOON

nakagalitan na naman ako ng boss ko kaninang umaga. ang malungkot pa nun, hindi iyon nangyari sa loob ng kwarto niya kundi dun sa opisina mismo namin.. sa makatuwid, nakita at narining ng labing-dalawa kong ka opisina na napagalitan ako... ok lang, sabado naman.. :)

pagkatapos ng tanghalian, nagkita kami ni Pilosopong Komikero.. sasamahan niya sana ako doon sa grupong sinalihan ko na tumutugon sa mga batang may sakit na kanser.. interesado din kasi siyang sumali at pati na rin nagbabakasakaling makahanap siya ng magandang kwentong-buhay.. ang naging problema, mali ang napuntahan namin... aba, malay ko bang magkaiba ang pedro gil sa gil puyat.. dahil naligaw kami, hindi ka kami nakahabol sa dapat naming puntahan.. sa makatuwid, kinailangan namin mag isip kung ano na ang gagawin namin.. ok lang.. sabado naman.. :)

maaari tayong manood ng sine.. sige, hindi pa natin napapanood ang 'til my heart aches end.. maaari din tayong tumakbo mamya.. pumayag naman si Pilosopong Komikero.. pero noong nasa bus na kami, bigla niyang sinabi.. swimming tayo ate, .sige, bili ka na lang brief at shorts mamaya.. :)

kaya iyon, kasama ang ilan sa mga batang lalake na nakatira din sa gusaling ito, nag swimming kami ng halos mag iisa't kalahating oras.. at dahil paparating na rin ang gabi sa mga oras na iyon, nakakamangha na nagpakita ang buwan sa amin.. aba, may swerte atang dala ang Komikerong Pilosopo.. 

kung sabagay, sabado nga pala ngayon.. hindi talaga imposibleng masilayan ang buwan sa kalangitan..
ilang sandali lang, nawala na naman siya at muling nagtago sa likod ng papadilim na ring mga ulap..

sapat na..
para sa sabadong ito..

112010sabado 

 

Friday, November 19, 2010

allSUNNY

pansin ko na malamig na nga ang simoy ng hangin nitong mga nakaraang gabi.. ganun pa man, sa bawat umagang bumabati sa akin, nandyan pa din ang haring araw para ngitian ako.. ilang mga paborito kong larawan ni haring araw..

you are my sunshine
smiling sun. ourhouse.typepad.com
 happy sunshine birthday..from gentleman of sophistication


sun and moon from elbooga

walking on sunshine whoa-oh from sarahjea
101910friday

santaYOU

i love candy canes, specially the red, green and white colored ones.. i automatically feel the christmas spirit..

can you imagine the time when you were still a kid and you're too excited to open your christmas gifts.. and then your eyes grew big when you discovered that the gift was the one you so long wanted..

im actually home right now.. been feeling sick the past days, so i decided to give myself a rest today.. i remember telling Berdeng Ibon that one of the best ways to be happy is to help other people.. so i decided to volunteer myself and my time with a group who share themselves to children with cancer..

they say that Christmas is for kids.. the group is actually gathering gifts to  be given to the kids.. here's to share with you what the group does during the Christmas season..

Dear Pipol!

hi at mabuhay! salamat sa suporta at sana tuloy tuloy till we see change! below is the updated wishlist ng ating mga alaga from Manila and Batangas! below them are the wishes of kids with cancer under our care in Cebu! kaya if you are or know someone from Cebu! please forward this email!

From the original list of Manila and Batangas kids we have already granted 39 of their wishes! kaya 68 more kids are praying and hoping that their wishes will come true! 23 kids in Cebu are also asking their kapwa Cebuanos for help!

We hope and pray that by December, ALL THE WISHES HAVE BEEN GRANTED para we can give these children the experience of receiving and opening a gift just like your child, nephew, nieces, apo do every December!

your help will not just make a child happy! but will also enlighten the family that XMAS is real! and will give hope to FIGHT on and continue their FIGHT for LIFE!

MERRY XMAS IN ADVANCE! HOHOHO!                        

MANILA           
Female                       
1          Bantucan, Kimberly                18        Maternity  financial assistance, (Pre-natal)
2          Estoy, Marielle                       15        maong skiny s-30,rubber shoes girl color s-9,
3          Naorbe, Venice Klein              4         Barbie doll, clothes kids s-L, shoes s-28 and bag
4          Fercol, Mary Joy                   10         Clothes s-12and shoes s-5
5          Llovit, Cherry                       15          T-shirt s-S, pant w- 26 and bag
6          Malayag, Nicole                    4          Troller bag, shoes s-5 and clothes 
           
Male               
7          Bernal, Edison                       17        Prosthesis above knee r-leg still need 25K (Price 65k, PCSO   granted 40K)
8          Durian, Kurt Williams              5          Bike na may sidecar, Hulk and Naruto toys
9          De Quiros, Jeman                   6         Bike na may sidecar, Ben 10, T-shirts s-M, shoes s-30
10        Caballero, Ronel                    15        Clothes & Bike with side car
11        Ocampo, Kurt Russel              3        Sandal &shoes s-27, Naruto robot
12        Mariano, Symon Benedict        5        Ben 10 toy, transformer, pants s-20, converse rubber shoes s-31           
13        Mendoza, Raymart                 10        Bike with side car, transformer robot
14        Refuerzo, Lucky                      7        Transformer Robot
15        Nalapo, Reynard                     4         Bike with side car,robot, Tom & Jerry CD, ben 10 clothes s-L
16        Franco, Jerico                        6         Remote control car, shoes s-32 and clothes kids s-L
17        Navallo Vergilio                11 mos.     artificial eyes, clothes s-Land shoes infant L

BATANGAS CHAPTER                             
                       
            
            MALE                         
1          ALCANTARA, BRIAN EDWARD      11        T-SHIRT LARGE
2          ARROYO, JHEWELLE               4         TOYS; T-SHIRT MEDIUM
3          BALTAZAR, KENNETH              7         TOYS
4          BERGADO, MIEN ALLEN               13        T-SHIRT LARGE
5          CALANOGA,  AARON                    8          T-SHIRT LARGE
6          CALAPATIA, JOHN EZEKIEL         2          TOYS
7          DE CASTRO, NORIEL               9          T-SHIRT LARGE; SHOES SIZE 34
8          DIMAANO, LEONARD ANGELO   12           SCHOOL BAG LARGE
9          DIMACULANGAN, JUN CHRISTIAN      9    SEEING MS. KRIS AQUINO; PANTS SIZE 26; SHOES SIZE 36
10           ELONTA, BERNARD KING               7          VOLLEY BALL
11        ENDAYA, FRANCO GUISSEP           6          TOYS; TSHIRT MEDIUM
12        FABIAN, ALDOUS JOHN                   5          TOYS
13        GALVEZ, MICHAEL                  16        pants s-30, T-shirts s-M
14        GUMABON, TROI JHOLO               11        T-SHIRT XL (ADULT SIZE)
14        HERERA, MIKE JULIUS                  9         TOYS
16        HUELBA, HANZ LIM                      5         SHOES SIZE 32; TOYS
17        ILAGAN, MARK RAINIER              16        T-SHIRT LARGE; PANTS SIZE 30
18        LAS, JHON NOEL                          9          TOYS
19        LASIN, JOHN CEDRIC                  6          TOYS
20        MAGBUHOS LHENARD                 8          SHOES SIZE 33; PANTS SIZE 30; T-SHIRT LARGE
21        MENDOZA, KIM LESLY                 3          TOYS
22        PEMADO, JOHN MICHAEL            5          TOYS
23        PORILLO, KENNETH                    9          T-SHIRT LARGE; TOY CAR
24        PURUGGANAN, MARK REN     11          PANTS SIZE 33; T-SHIRT XL (TEEN SIZE)
25        RECIO, DEXTER                        10          T-SHIRT LARGE
26        ROXAS, CRIEL JOHN                  5          SHOES SIZE 32; PANTS SIZE 30; T-SHIRT LARGE
27        SUAN, JOHN ANTHONY              5          TOYS
28        TINGSON, GENESIS                   2          TOYS; T-SHIRT MEDIUM; SHORTS MEDIUM
29        TIZON, RAY ALLEN                   18        T-SHIRT LARGE;
30        UMALI, ROILAN                         13        PANTS SIZE 29; T-SHIRT MEDIUM
31        VILLANUEVA, RENZ CARL          4          TRANSFORMER TOYS; SHOES SIZE 28
32        VILLANUEVA, ASHLEY               4          TOYS
           
FEMALE                      
33        ADIS, SHEERA                                 3          RECHARGEABLE TOY CAR; EDUCATOINAL KIDDIE LAPTOP;  SHOES S-28
34        ARANEL, ELIZABETH                       7          TOYS; DRESS LARGE
35        BORRAS, ANGEL                             7          TOYS; DRESS MEDIUM
36        CAMAING,                                        2          DOLL HOUSE; DRESS MEDIUM; SHOES SIZE 37
37        CASTILLO,                                       4          DOLL (name- BABY ALIVE )
38        CANTOS, CRISTHELLE MARY ANN  6          TOYS; DRESS LARGE
39        COMETA, MALOU                           16        SANDALS SIZE 8; FOLDING BED;
40        DE VILLA, MAYBELYN                     5          TOYS
41        GUCE, CHRISTINE JOY                  11        RUBBER SHOES SIZE 6 1/2; DOLL HOUSE; WISH KO GUMALING
43        MARALIT, RAIZA JOY                    12        COMFORTER
44        MARANAN, JASHMINE                    3          TOYS; DRESS LARGE
45        MARQUEZ, ANNA MARGARETTE    2          SHOES SIZE 5; TOYS; SPONSOR
46        MATANGUIHAN, ROSE                   3          TOYS; DRESS LARGE
47        PARADILLA, JUSTINE                  10        SPONSOR
48        TENORIO, MAIDEN                 10        DRESS LARGE
49        TISBE, PAMELA                          8          DRESS LARGE
50        CANETE, ROSE                         13        GROCERIES
51        SAN JUAN, GEORGE                 9          GROCERIES

CEBU PATIENTS:
FEMALE
1          Ma. Victori                                 8          Bike / Doll House /
2          Patti Mae Tabra                         6          Toy Laptop / Baby Doll Alive with Cart / Bike
3          Gift Delimal                               3          Toy Laptop / Dora Stuff Toy / Dora Shoes or Sandals
4          Kianna Chrizia Kasayan             9          Baby Doll Alive / Sponsor for Physician's Fee /
5          Claire Helery Noel                    11        Baby Alive Doll / Vitamins - Immuno Max & Cherifer / Clothes
6          Nathalie Coleen Nacario            5          Big and Small Teddy Bear  / Clothes for Christmas / Barbie
7          Juryce Hope Potot                   3          Barney Stuff Toy / Bike
8          Ella Marie Duenas                  13                   
9          Louis Jane Pisco                    4          Bike
10        Krishia Romblon                   12        Sponsor for Chemotheraphy / Rubber Shoes / To see Elmo Magalona

MALE
11        Carl Jude Manloloyo               10         Clothes
12        Andrei Ebajan                                     Sponsor for FARE (Leyte-Cebu) for his brothers and Sister to visit Cebu this Christmas                                                                                                                        
13       Lance Marvin Turbanos           14        T-Shirt with Collar / Airplane (Tamiya)
14        Akeem Vladimir Bacus           9 mos  S4 Milk Supply (Promil-Gold 6 mos. To 1 yr) / Diapers (Pampers - Large) / Vitamins (Cherifer                                                                                       Drops & Celine Drops)
15        Justin Jade Guno                  6          DVD's for Kids
             
16          Jhudiel Pano                      12        Mountain Bike / Guitar or Electric Guitar
17       Justin Cyrus Armecin                            Remote Control Car / Telescope (real) / DS Nintendo
18       Rick Agustine Ruiz               13        CML Sponsor for Hydroxyurea (Litalir)Meds / Fubu Shirt /
19        Axel Mahidlawon                   6          Car Toys / Milk / Shoes size 16 / Clothes XL
20       Joshua Amodia                    15        Painting and Art Materials
21        Dave Louis Casia                  8         Bike / Clothes /
22        Dave Godwin Bermiso                         Financial Aid / Bike / For Mom to find a good paying job to be able to pay for daily needs
23        Allan                                                        Dancing doll / Clothes


one wants to see kris aquino and elmo magalona.. most want toys and dresses.. others wanted a supply of their medicines.. while some just wanted to finally get well..

being with these kids also gives me another reason to wake up everyday.. i know i am blessed in ways more than one.. as the season of advent is nearing, please do include them in your prayers..

you can be a santa for one day..
happy christmas everyone..

ps. of course, i wouldn't mind pledges of even simple toys.. i heard someone's coming here for a training or something. maybe he can bring some of the toys.. :)


111910friday

Sunday, November 14, 2010

pinkyPROMISE

i was singing my favorite beatles song last night when i came across a video by this 10 year old boy playing his guitar.  i cannot help but sigh as i watched him play while i listen to the melody of the song.




who knows how long i've loved you
you know i love you still
will i wait a lonely lifetime
if you want me to i will

i love you forever and forever
i love you with all my heart
i love you whenever we're together
i love you when we're apart


111310sunday

fourthDELIVERY

para kay Pilosopong Komikero
hindi mo man lubusang maintindihan ang kwento ng naligaw na ibon, siya man ay nag hahanap din ng mas malinaw na buod sa kwento ng buhay mo ngayon.  isang bagong sapatos para samahan ka sa paparating na rin na bagong taon.  tama ang mensaheng nakuha mo. ang nakaraan ay magandang balikan, ngunit hindi dapat piliin na doon ay manatili. bagong sapatos dahil pakiramdam ko na ang pag hihintay ay kailangan din sabayan at lagyan paunti-unti ng kulay at pag asa.  hindi ko alam kung ano ang hinihintay mo o kung sino.  ang alam ko lang, kailangan mo ng pumili para sa hinahangad na mas magandang bukas.  kagaya rin ng buwan na kabisado na ang bawat pag babagong hugis na darating. ganun pa man ay nararamdaman ko, na kabisado man niya ang ikot, may mga gabi pa rin na naghahalo ang pakiramdam, maganda man o hindi.

antok na si MYA.. sa susunod naman..

111310saturday

Saturday, November 13, 2010

invertedCHRISTMASTREE

sabi ko kay Seth, this week could have been the most special week of this year.. it could have been reason enough to go home..

stop trying.. surrender.. and let things be..
-eat pray love-


111310saturday

Friday, November 12, 2010

sunnysideUP

kagaya nung entry kong littleSOPHIA (october), at dahil nawiwili ako sa mga "icons" na may nakangiti, naisip kong ilagay dito ang ilan sa mga paborito ko... isang patunay na sinisikap kong ngumiti sa bawat araw na dumadaan.. sana ay mapangiti ko rin kayo...


fruits are so happy in winter from AJ
smile from Yin Ho Cheng


you make my toes smile from little thoughts



smile from magna.indigo
smile from khristine may

isang ngiting totoo
isang hiling sa langit
isang oras
o kahit isang minuto lang
sapat na

101110 thursday

Thursday, November 11, 2010

thirdDELIVERY

para kay Clearwater
sabi sa akin ng isang kaibigan noon, isa daw akong tsinelas (banana peel lang, hindi havainas o ipanema).. :) tsinelas daw kasi kahit mag bago ng paulit ulit ang itsura ng mga sapatos, hahanap hanapin pa rin ng ating mga paa ang tsinelas.. maliban doon, tsinelas din ang mas ginagamit pag tag ulan kesa sa sapatos.. ganoon din ang tingin ko saiyo.. maraming tsinelas sa buhay ko, pero ikaw ang paborito ko.. malayo man ang bagong langit ko ngayon, alam ng puso ko na babalik at babalik ako sa luma at pinakamahal kong langit sa lahat.. at sa tuwing babalik ako, hindi maaaring hanapin ko ang tsinelas ko.. kagaya ng buwan na hindi ko man nakikita dito, batid ng langit na hinahanap ko pa rin ito..

para kay Teddy Bear
minsan lang magsalita pero kapag nagtanong siya, siguradong nag hahanap siya ng sagot na dapat din ay maiintindihan niya.. minsan lang magsalita, pero mararamdaman ng bawat nalulumbay na puso ang nais ibahaging pagpapahalaga.. minsan lang magsalita, pero alam mong maaari siyang maging isang tapat na kaibigan.. isang araw ng katamaran ang nais kong ibahagi saiyo.. isang araw na walang iisipin kundi ang kumain at magbahagi ng masasayang kwento ng buhay.. isang araw na hihiga lang sa damuhan kasama ang ilang kaibigan at panonoorin ang sayaw ng mga dahon sa puno at ang pabago-bagong anyo ng mga ulap.. isang araw ng parang "wala lang" pero alam ninyong masaya kayo sa dumadaan na oras.. katulad na buwan, minsan man ay umaga at maliwanag na, pilit pa rin na ipinapakita ang kanyang sarili para hintayin o di kaya'y makipagsabayan sa paparating ng sinag ng araw..


para kay Smiling Eyes
nakita ko ito sa isang tindahan malapit sa aming tahanan.. nawiwili ako ngayon sa mga gamit na may ganitong  itsura.. marahil ay ito kasi ang hanap ng aking puso ngayon, ang totong mga ngiti at wagas na halakhak.. palagi mo kong pinapaalalahanan na ngumiti kahit nalulumbay.. at twing nababasa ko ang mga mensahe mo, kung minsan man ay hindi buo ang mga ngiti ko, gusto kong malaman mo na sumasaya ako kahit paano.. malaking bagay iyon para sa isang nag aaral na mabuhay muli.. kagaya ng bagong buwan ko ngayon, iba man ang kulay niya at hindi man siya ang totoong buwan na nasisilayan sa langit, napapasaya niya rin ako kahit paminsan minsan lang..


may laman pa rin ang sako..
hanggang sa susunod na kwento..

111010wednesday

Wednesday, November 10, 2010

whiteROSE

its my 101th day sa bagong lungga, at buo kong sasabihin na "it was a bad day"... pero dahil espesyal pa rin sa akin ang numerong ito, gagawin ko pa rin ang blog na ito in tribute to my survival days.. :)

happyMYA
-pinili kong manatili sa trabahong ito kahit aminado ako na ilang linggo ko din noon iniisip na umalis dito.
-masasabi ko naman na kahit papaano, nakukuha ko na ang buong proseso ng trabaho ko.
-masaya ang umpisa ng araw na may mensahe ka galing sa mga malalapit na kaibigan..
-hindi lang ako ang bago sa lungga, kaya hindi lang ako ang nahihirapan.. (toinks)
-kahit mag isa pa rin ako kung kumain ng tanghalian, sanay na ako at wala na akong pakialam kahit pakiramdam ko ay mag isa lang ako sa mundo.. (toinks na naman)..
-malaking biyaya na ang bumubuo ng recruitment team ko ay talaga namang mababait at matyaga akong tinuturuan sa mga dapat kong gawin..
-at sa mga oras na may katakot-takot akong nagawang mali, biyayang maituturing na handa ang mga kasama kong harangin ang dagundong ni Reynang Kidlat..
-mahigit isang daang katao na rin ang nakapasok sa mga inendorso ko..
-mahigit isang daan na rin syempre ang na interbyu ko..
-nakakawiling panoorin ang mga kasamahan ko sa lungga.. iba't ibang dekada kasi, may 50s, 40s, 30s, at 20s.. masayang unti unting natutuklasan ang kagandahan (at kahinaan din) ng bawat isa..
-may mga bago rin akong natutunan sa excel..
-at marami na rin akong alam sa huris..
-naka business attire ako lagi, at mataas ang takong ng sapatos ko..
-hindi na ako naiinis kahit parating hirap makuha ng mga kausap ko sa telepono ang pangalan ko.. hindi nga ako si mickey o vicky.. (super toinks naman o!)..
-bongga pag may kainan sa lungga.. as in bonggang bongga..
-umaapaw ang supply ko ng tissue, kung pwede lang iuwi ko na lang sa bahay..
-kahit wala na ako sa dating lungga, dinala ko pa rin dito ang color coding ko.. kulay ng mga ballpen ko, post its, folders, pati mga control sheets ko..
-gumawa din ako ng sarili kong mga slips (call slips, endorsement slips, appointment, etc)..
-at ako lang ay may maraming pictures sa desk ko (kasi hindi nila nakikita)..

sad/stubbonMYA
-halos lahat ng hindi dapat gawin sa recruitment rules namin nabalga ko na.. as in major major
-sabi ng boss ko kanina dahil may nagawa na naman akong mali "strike 2 ka na, what happens after strike 3?" sabi ko "it depends".. sabi niya "no, it means you're out.. in baseball, strike 3 means out, walang it depends.." (kaya umuwi akong umiiyak, imagine, i only have one room for mistake?).. :(
-nawiwindang pa rin ang araw ko kapag nakikita kong naka kulay ube ang mga iniinterbyu ko..
-kumakabog din ang dibdib ko kapag may mga aplikante na hindi ko gusto ang pangalan (isang beses, may tinapon ako.. - pero hindi naman na talaga siya pwede-) :) naaalala kong may panahon noon na sa isang linggo lang, pare pereho ang pangalan ng mga aplikante.. (aba, pinaglalaruan ba ako ng langit, gayong batid ko naman na hindi pang karaniwan ang mga pangalan na iyon sa mundo).. (super toinks)..
-kahit bongga ang pagkain sa lungga, dahil baguhan pa rin ako, hindi ko magawang lumamon ng todo.. hay..

-careless pa rin ako sa ibang detalye.. at kapag nangyayari iyon, parang gusto ko ng tumakbo pauwi sa takot..
-kapag walang nakatingin, tinatapon ko ang mga kulay ube na paper clips at fastener.. 
-at kapag may ipinasa sa akin ang casual namin na papeles na dapat kong gawin at may paper clip na kulay ube, binabalik ko at pinapapalitan kong ibang kulay.. (sira ulo)..
-wala pa rin araw na dumadaan na hindi ako natitigil bigla at ibubulong ang ilang pangalan, ipipikit ang mata, at magpapakawala ng malalim na buntong hininga..
-may mga panahon pa rin na tinatanong ko ang sarili ko kung tama ba ang naging desisyon.. hindi ko pinagsisisihan ang nagawang desisyon, maliban sa isa..
-marami na akong nagawang palpak sa trabaho ko (at bahala na kung saan ako nito ililipad muli)..

may ilan siguro na hindi ko pa naisulat, pero okay na din para may paalala ako sa sarili ko na may mga nangyayaring tama sa buhay ko.. may napapasalamin kung ano na ang estado ko ngayon, at kung ano ang mga nararapat na gawin sa pagpapatuloy..

it was a bad day.. good thing is, it rained.. been waiting for rain para magamit ko ang bago kong payong.. see through kasi sya.. kaya kanina pauwi, mas nawili akong tingnan ang bawat patak ng ulan sa payong ko kesa sa mga taong kasalubong, at kalsadang dinadaanan.. i am starting to believe that rain really comes in drops rather than in strings.. 

its my 101th day, good news, bad news..shit really happens..
but really, who knows?... strike 3 or whatever, bilog ang buwan, bilog ang araw..


111010wednesday
(oh, its wednesday pala)