Thursday, March 31, 2011

silentMOON

may nagtanong sa akin kung bakit daw hanggang ngayon hindi pa ako nag kaka boyfriend uli; kung bakit daw ayaw kong mag meet up with  other people; kung bakit hindi ako open for dates (blind date man o hindi); kasunod ng mga tanong na yun ang isa pang madalas na tanong.. kung takot ba akong masaktan uli..

ang totoo, hindi naman talaga ako bitter sa buhay at lalong hindi rin ako takot na masaktan ULI (addict?).. ang totoo pa, naniniwala pa rin ako sa tunay na pag ibig; buo pa rin ang pagtingin ko na may taglay itong majika sa puso at kaluluwa natin; kinikilig pa rin ako sa ideya ng prince charming; at lalong napapabuntong hininga akong masaya sa katotohanang dala pa rin ng ever afters.. 


ang kaso,

pakiramdam ko na hindi ito nauukit sa palad ko. nararamdaman ko na hindi iyon bahagi ng magiging kabuuang kwento ng buhay ko; iba ata ang nakalaang ever after para sa akin; http://bagonglangit.blogspot.com/2010/07/theexception.html

hindi man ako maintindihan ng mga tao ngayon, uli, hindi ko problema iyon. maniwala kayo o hindi, masaya ako kahit hindi perpekto at buo ang buhay ko. maraming dahilan para maging masaya ako. kung magiging mas masaya pa ako, bonus na lang iyon. sa ngayon, sapat na yung nararamdaman kong katahimikan at kaligayahan na dulot ng bawat araw; sapat na rin para makatulog akong mahimbing sa bawat gabi.


living by the sun, 
loving by the moon.

033111thursday

4 comments:

  1. i quote..
    "sa ngayon." :)

    pero yeah, at one point naniwala din ako dyan... and up to now, i still do... nagkataon lang na nagpresenta ang mga posibilidad. pero i still believe. well, maniwala man tayo sa hindi, wala tayong magagawa sa plano Niya para sa atin... ;)

    ReplyDelete
  2. sa ngayon? haha.. hindi lang yun sa ngayon.. i really feel it enzo.. as in.. :)

    ReplyDelete
  3. haaay...andito kaya kaming mga boyfriends mo..hahaha sino nagsabi nyan patayin ko? hahahha we love you ate..hahahah
    may nakalimutan ka ata...sabihin mo marami kanun at di mawawalan kasi marami ngamamahal sayo... minsan nga tomboy kapa diba..hahaha... love you again..hahaha XD

    ReplyDelete
  4. @matangMulat.. haha.. oo nga noh..marami nga pala akong boyfriends.. at di ko pagpapalit kailanman.. missing you.. :)

    tomboy pala ha.. ganun?? haha..

    ReplyDelete