Friday, May 6, 2011

bestSPA


tumakbo ako palabas ng unit para pumunta ng lobby kasi sabi ni Seth may lbc package para sa akin. aba, meron nga. pagkakuha ko palang, hindi pa man din ako nakakapasok elevator, nabuksan ko na agad ang package at naka pag umpisa ng magbasa. para akong bata na sobrang sabik sa regalong padala.


salamat sa mga taong nag bahagi ng oras nila sa pagsulat at sa pag bati. di ko na kayo iisa isahin, basta, maraming salamat.

di ko alam kung bakit may box pa? mas special ba ang mga greetings na nasa loob ng box? parang mas nagmahal ata yung package dahil sa bigat ng box. hehe... binili pa ito o ginawa? parang galing sa art class kasi. parang obra.



kahit hindi ikaw ang nag ribbon nito, salamat sa effort sa 18 pages. haha. natuwa ako at naluha sa mga doodles at paalala. ano man mga sinabi mo dun, di ko naman yun nakakalimutan. minsan sumasabit pero i promised to be a good girl pa rin. 






nahihiya naman ako bigla at nag effort ka pa talaga. ok na yung nakaraang ibus at cheeseburger. nung nakita ko box, akala ko chuck taylor na.. pero di yun kasya kaya alam kong iba laman.

pwera sa mga sumbong mo, sobrang cute ng drawing mo. hayaan mo, masaya naman ako dito.




o ayan, exclusive na yan. kayo lang dalawa dyan ah. 

basta, paulit ulit na salamat. :)




050611friday

4 comments:

  1. hehehe! ang bilis dumating sa iyo! =D

    ReplyDelete
  2. syemps.. LBC eh.. thanks trish at nakasali ka dun.. hehehe..

    ReplyDelete
  3. familiar ba yung shirt sa drawing?hehehe.XD

    ReplyDelete