Wednesday, August 4, 2010

goodLOL

sobrang overwhelming para akin na magawa lahat ng expectations sa trabaho. dahil bago ako sa sistema, nararamdaman ko talaga ang hirap. para akong nangangapa sa dilim.

para matulungan ko sarili ko, like i always do, inoorasan ko sarili ko sa bawat task na ginagawa ko. sa paraan na iyon, i get to push myself to reach the goal. pero kagaya ng bawat pag asam sa mga pangarap natin, may mga oras na hindi natin iyon nasusunod; di natin nakukuha.

may isang bahagi ng trabaho ang hirap na hirap akong makuha. i nearly gave up, pero hindi ko tinigilan kasi alam kong hindi ako matatahimik.

then finally, YEY! nakuha ko na rin.. napasigaw ako kanina sa tuwa. and surprisingly, yung mga kasamahan ko sa office seemed to find that weird..parang nagulat sila sa naging reaction ko.. then they started laughing too..

natawa ako dun kasi ibang iba ang mundong ginagalawan ko ngayon. hindi kagaya ng kinagisnan na pwede kang tumawa ng malakas; o kumanta; kahit mag headbang nagagawa ko. pero dito, seryoso ang mga tao; tahimik magtrabaho; bawat galaw mo parang dapat maingat ka.

hindi ako sanay.

gusto ko mag overtime kasi marami ngang gagawin. pero hindi pwded dahil malayo pa ang uuwian. sa pagmamadali ko, pang lalake palang c.r. ang napasukan ko. nakailang hakbang na ako sa loob bago ko naisip na mali ang napasukan kong c.r. paglabas ko, pati mga tao sa labas tumatawa.

sumali na ko sa pagtawa nila.
and surprisingly,
laughing out loud made me feel good.

laughing at myself made me feel good.

i just realized,
miss ko na palang tumawa ng bonggang bongga.

haiy..

6 comments:

  1. hehehe.

    buti na lang tumawa ang mga tao nung lumabas ka sa cr ng mga lalake. dahil kung hindi, isa lang ang ibig sabihin noon...mukha ka na rin isa sa kanila! wahaha! =)

    isang taon na ako sa trabaho, naka-adjust na din ako pero may mga pagkakataong feeling ko nagsisimula pa lang ako. iba rin ito sa mundong minahal ko...

    malakas ang ihip ng hangin. kung itatangay ng hangin ang dahon palayo sa puno, sana ay hindi muna ngayon...

    ReplyDelete
  2. Isang magandang balita!

    ReplyDelete
  3. tara TAWA tayo...

    congrats sa new joB...
    proud of u XDD

    ReplyDelete
  4. hhe... nice ate nikkie.. walang msama sa tumawa..kung di nila kayang tumawa dahil sa type of work na meron kayo..heheh kaya mo kayng palitan yung "dating" yun sa lugar na naroroon ka ngayon...heheh sabi ng ni kerubin mong maputi gawing mong langit yun... lugar kun saan magiging masaya ka... hahhaha.. good to know na ganun nga ate.. enjoy.

    ReplyDelete
  5. @urbanmiss..

    kung sabagay, magkaibang magkaiba talaga ang mundo ko ngayon sa kinagisnan. minsan iniisip ko pa rin kung gusto ko talaga ang ganitong buhay. parang ang hirap pag aralan.

    pero alam ko din na maaga pang magsalita na hindi ko kaya. hindi ako mayabang, pero alam ko naman talaga na kaya ko naman pag aralan ang lahat..

    oo, malakas ang hangin.. sana may sapat pang lakas ang dahon para kumapit pa.. sayang naman kung itatangay siya agad ng hangin..


    para kay anonymous..

    alin ang magandang balita?
    yung maling cr ang napasukan ko,
    o yung patungkol sa tawa ko?

    haha..

    @theBoss..

    ahaahahahaha...

    hindi yun job..
    journey..

    hehehehehe...

    ReplyDelete
  6. Hindi ba na-kwento mo 'to sakin? Natawa ulit ako!

    ReplyDelete