Monday, August 2, 2010

tabulaRAZA

hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. hindi ko alam kung galit ako, nasasaktan, nalulungkot o nagsisisi. hindi ko rin alam kung ano ang gusto kong isipin. kung pipilitin ko bang yakapin ang mga nalaman ko, o hahayaan na lang na ilipad ng hangin ang lahat ng ito.

ipipikit ko ang mga mata ko ngayon. ilalabas ko ang sama ng loob sa bawat buntong hininga. pipilitin kong ngumiti at umaasang darating na ang araw na hinihintay ko.

sa ngayon, gusto ko lang matulog na hindi ko pinakikinggan ang awit ng puso ko. konting panahon pa, lalaya din ito. at sa araw iyon, magpapasalamat pa rin ako sa langit. dahil kahit anong mangyari, alam kong hindi lang nagkataon ang lahat sa buhay ko. binigay yun sa akin, at inalaggan ko ng buong puso.

070210monday

6 comments:

  1. Kaunting tiis pa, sasaan pa't darating din tayo diyan. Hintay lang. :)

    Ngitian mo sarili mo, yellowcab.

    ReplyDelete
  2. para kay anonymous..

    toinks.. hindi ko lang nginingitian sarili ko noh.. tinatawanan ko ng bonggang bongga.. minsan nga, gusto ko ng iuntog ulo ko sa elevator..

    addict na yata ako eh..

    maghintay?
    haha.. hahaha uli..

    ano pa nga ba..

    thanks for droping by..
    sino ka?

    ReplyDelete
  3. Hindi mo naman ako kilala yellowcab at hindi rin kita kilala. batid ko lang ang nararamdaman mo.

    Sana mahanap mo ang sagot sa hinihiling ng iyong puso. Dahil yun ang talagang inaabangan ko.

    ReplyDelete
  4. para kay anonymous..

    ganun??

    inaabangan mo?
    para palang pelikula..
    parang shooting star..
    parang fullmoon..
    parang 13th month pay..

    sige..
    hintayin mo..

    at hihintayin ko rin maging shout out mo..

    may blogsite ka?

    ReplyDelete
  5. inabandona ko na ang blogsite ko, magsisimula ulit ako ng bago. kaso sa ngayon, hindi ako pinapayagan ng pagkakataon at oras.

    ReplyDelete
  6. para kay anonymous..

    toinks ka din pala..
    wala kang pagkakataon at oras para gumawa?

    e nagagawa mo ngang mag post ng comments..

    hahaha..

    ReplyDelete