Friday, August 6, 2010

trafficLIGHTS


go.
pumunta sa malayo at makasama ang dagat.
mahiga sa buhangin at ngitian ang gabi.
sumayaw muli kahit mag isa.
tumakbo na magaan ang pakiramdam.
yakapin ng buong buo ang ngayon at bukas.
ready.
ihahanda ang sarili para mas maging maayos ang lahat.
hayaan ang oras na hilumin ang kahapon.
buuin ang nasirang tiwala at lakas para sa mga bagong pagtaya.
stop.
sa matulin na paglalakad para mas makahinga.
ang hayaan ang araw na binibisita ng lungkot.
patakbuhin ang utak na nagpapaalala ng umpisa at wakas.

kung isang malungkot na tibok ang titingin, makikita nya ang bilis ng pagbabago ng bawat ilaw.
kung isang masayang tibok ang titingin, makikita nya ang bawat pagkakataon na ibinigay sa kanya.
kung isang umaasang tibok ang titingin, makikita nya ang sarili na handang maghintay sa pagbabago at bukas.


anong kulay ng ilaw ang meron ka ngayon?
anong kulay ng  ilaw ang inaasam mo ngayon?

080610friday
(nabuo habang nasa traffic pa cubao)

2 comments: