Thursday, July 22, 2010

buhayCONDO

i am not yet used to the kind of life condo units offer. it just seems too impersonal.  its like living in world where you don't know anybody except your housemates. and so, i thought i needed to observe the people moving in and out the 16th floor.. in 2 weeks time, here are some of the things i have gathered (and they're pretty much interesting too..).. let's have them one room at a time..

rm1601. the room just in front of the elevator area. a family stays there, at dun din nakatira yung babaeng nakaaway ng kapatid ko kasi hindi marunong magtapon ng basura sa tamang lalagyan.

rm1621. all girls ang nakatira dito. magaganda at mababait. yung lang alam ko.

rm1623. feeling ko, matagal ng hindi umuuwi ang nakatira doon. kasi kung umuuwi sila, malamang tinanggal na nila yung post it (reminder sa dues nila) na nakadikit sa door nila.

rm1620. here lives a typical young professional lady. uuwi sya in her uniform (parang working in a bank) and then after ilang minutes, lalabas na naka short-shorts to maybe go out with her friends.

rm1619. pamilya din nakatira dun. may isang dalaga na parang nag papart time modeling. meron din dalawang kids, a boy and a girl. if you'd look at them, sila yung tipong sabik na sabik makipag laro sa labas. i noticed that when they saw a kid next door din.

rm1618. pamilya din nakatira doon. pero meron silang lola na parang mahal na mahal nila.

rm1617. may mag asawang may isang makulit na anak na lalake. with the lifestyle they have, parang feeling ko wala na silang balak magka anak uli. one time, nung may rotational brown out dito, yung guy nag stay sa fire exit area (kasi may generator dun) para lang makapag facebook.

rm1615. ah, interesting ito. all guys nakatira dito.. o baka may gay din. may talent manager at may talents. you'd hear them singing in the wee hours.. nag papractice ata nga songs and dances for tv stints. hmm.. mukhang friendly naman sila (they said "hi" one time to me)..

rm1614.. and unang rum na nakikita ko papunta sa room namin. i always have deep sighs once i turn this corner (that's because the number brings me memories of home).. anyway,  1614..bachelor ang nakatira dito. he's working at san miguel, probably in sales. so malamang busy sya kasi grabe sya mag pa laundry. marami sya lagi dala kapag nag pipick up sya laundry niya. at kamukha niya si kris.. (kris villanueva)..

for the rest of the people here sa 16th floor, wala pa akong alam. malamang, kung pati other side ng floor na ito nalaman ko mga buhay buhay nila, super tsismosa na talaga ako.


anyway, i just want to give you a picture of my world right now.. seems a bit reserved i guess.. seems a bit aloof..

welcome to condo life..

072210thursday

No comments:

Post a Comment