Saturday, July 17, 2010
strandedHEARTS
galing sa lumangBAUL
(sagot ni P.L sa Relapse ni via yang)
sabi nila, may kanya-kanya daw oras ang lahat ng bagay. Minsan iniisip ko, pwede bang malaman agad kung kelan ka masasaktan? Kung kelan mo dapat itago muna ang puso mo para wala itong maramdaman na kahit anong sakit.
kung pwede nga lang talaga, kaso hindi ganun ang buhay. Lalong hindi ganun kapag pag ibig ang pinag uusapan. Kahit anong pilit mong kalimutan ang nakaraang araw, mararamdaman pa rin ng puso mo ang lungkot ng pagkawala, ang sakit ng nanlamig ng puso.
ano bang dapat gawin kapag nawala sa’yo ang pinaka nag bibigay sayong kahulugan? Kapag nawala hindi lang kabiyak ng puso mo, kundi yung puso ng puso mo mismo? May dahilan pa nga bang mabuhay kapag ganun? Paano ba talaga mabuhay kapag nabasag na pati kaluluwa mo dahil sa pagkawala ng dahilan na huminga muli, na mabuhay muli?
lahat na yata natanong ko na. Kung pwede lang, sa bawat pagtanong ko, nababawasan din ang sakit sa puso ko. Kung pwede lang na sa bawat pag luha ko, nakakalimot ako sa nakaraan. at kung pwede lang, sa bawat araw na nakikita kita, makalimutan ko na mahal na mahal pa rin kita.
kung pwede lang sabihin ng puso ko na pagod na pagod na sya. Sana nga, sana nga mapagod na ako.. para makapag patuloy ng muli…
042110wednesday
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment