Thursday, July 8, 2010

MAYAngligaw

akala ko noon, kaya kong harapin kahit anong dumating sa buhay ko.  akala ko, ok na lahat sa akin ang takbo ng mundo ko. pero hindi pa pala.  hindi pa rin pala sapat ang lakas ko para masabi kong matapang ako.  sa mga naging biglaang pagbabago sa buhay ko, sa mga biglaang nawala, sinama nito lahat pati ng lakas ko.  kapag nasaktan pala ang tao, kayang-kayang talunin ng sakit ang kahit anong tapang na meron ka.

pinili kong lumayo kapalit ang kinasanayan kong langit.. kahit sa paligid ko maraming nag papahalaga, hindi yun naging sapat para manatili ako.  aaminin kong naduwag ako kaya pinili kong lumayo.  "I was too scared to see myself get hurt.. I was too scared to see myself dying little by little.. I was too scared of losing myself again.." Leaving was the only option I knew.. that's why it eventually became a choice...

pinili kong itaya ang lahat kapalit ang walang kasiguruhan na bagong mundo.  Ganun pa man, umaasa akong magiging maayos ang lahat.  maaaring hindi man ngayon, alam kong darating din ang araw na iyon.  may ilang taong patuloy na nag papahalaga, sapat na iyon para baunin ko sa bagong paglalakbay.  oo, hindi man kumpleto, hindi man buo, pwede pa rin mag simula.. pwede pa rin maging masaya.. Mahirap, pero pipilitin kong kayanin ang lahat. 

malungkot pa rin ako ngayon.  nasasaktan pa rin ako ngayon.  marami pa rin tanong ang gumugulo sa isip ko.  lagi pa rin siyang nasa isip ko. may malalim pa rin na takot sa puso ko.  pero sabi nga ni Pilyong Querobin, "you chose this, right?" kaya oo, pipilitin kong ayusin dito ang lahat. sisikapin kong patuloy na lumipad. kailangan kong gawin para sa kanya, para sa amin, at para sa mga taong naniniwala sa akin. 

patuloy akong lilipad kahit alam kong naliligaw pa din ako..

070510monday

No comments:

Post a Comment