Thursday, July 8, 2010

newMOON

(para kay boomerang ni flightless bird...)

kumusta ka na?
sana ok ka.

alam mo ba, usok ang ulap dito.
buildings ang mga puno.
busina ng mga sasakyan ang mga kuliglig.
mga ilaw sa buildings ang stars at alitaptap.

ibang iba sa kinasanayan kong langit.

pero may isang bagay na nagiging dahilan ko para ngumiti ako bago ako matulog sa gabi..

dahil over and above the usok, buildings, busina ng sasakyan, at ilaw ng mga buildings,
may sarili akong buwan na araw-araw ko pa din makikita. 

sa isa sa matataas na buildings dito, from this 16th floor, nasisilayan ko bago ako matulog ang napakaliwanag na first letter ng name mo..

iyon ang buwan ko ngayon.
at sa mga darating pang mga araw.
sapat na para ngumiti pa rin ako.


paano nga ba kita mabibitawan?  paano nga ba kita makakalimutan?
kung gabi-gabi, makikita pa rin kita..

miss na miss na kita..
sobra.. 

happy wednesday..
(double hai..)


070710wednesday

No comments:

Post a Comment