Thursday, July 8, 2010

MAYAngpagod

pagatlong araw ko palang dito pero pakiramdam ko, pagod na pagod na ako.  parang ang layo layo na ng pinatutunguhan ko, gayong ligaw pa din naman ako hanggang ngayon.  pati mga tao sa paligid ko, pakiramdam ko byahe lang ng byahe, lakad lang ng lakad.  Iniisip ko, sa bilis ng ginagawa nilang paglalakbay, alam ba talaga nila ang pupuntahan nila? masaya ba sila sa pupuntahan nila?

kanina, may isang babae akong narinig na may kausap sa telepono.  nakakapagod na daw ang buhay niya.  nais niya na daw umuwi..



umuwi..



pakiramdam ko, ganun din ang binubulong ng puso ko.  Go home... at dun hayaan na maghilom ang mga sugat.. dun hintayin na unti unting mawala ang takot.. iyon ang sinasabi ng puso ko.. pero iba ang sinasabi ng isip ko.  sinasabi ng isip ko na hindi kakayanin ng puso ko kapag umuwi ako.  hindi kakayanin ng puso ko na makita ang mga pagbabago sakaling umuwi ako.  alam yun ng isip ko, dahil kilala niya ang puso ko. 

mahirap pala maligaw.. kanina, may hinahanap akong dalawang lugar na kailangan kong puntahan. para sa isang taong bobo sa direksyon pagdating sa mga lugar, malaking pasanin ang paghahanap.  pinilit ko ang sarili ko na pag aralan ang mapa ng lugar.  pero kahit nasa kamay ko na ang direksyon, nararamdaman ko ang takot na lalong mawala ako.  kung alam lang ng taong mga nasasalubong ko ang takot na nararamdaman ko.  kulang na lang, magdala din ako ng mga bato para maging palatandaan ko sa mga dinaanan ko na. 

masaya ako ng nahanap ko ang dapat kong puntahan.  naisip ko, kung pipilitin ko talaga, kung mag sisikap ako ng todong-todo, kakayanin ko.  na kapag pinilit kong maniwala sa sarili ko, hindi malayong kayanin ko ang lahat ng takot ko.

at the end of the day, iniisip ko pa din "ito ba ang bagong langit na sinasabi ni Seth? ito ba ang bagong langit na ipinalit ko? will this new heaven be all worth the giving up?"

kung sabagay, sabi nga ni Maputlang Seraphim, kahit saan naman daw ako mag punta, magiging langit ang lugar dahil sa akin.  (sigh).. sana nga, something good will come out of all these.. baon ko din ang sinabi ni Munting Tinig, hwag ko daw ipag walang bahala ang salitang "hayaan".. hindi ko daw kailangan mag madali.. kaya sige, kahit mahirap basta pa unti-unti...

ang dami ko na namang iniisip.. marami na naman tanong, marahil mas dumadami na naman ang aking takot.  pero pwde ring naninibago lang ako.. bahala na.. lalakasan ko na lang lalo ang loob ko.. pipilitin na unti-unting yakapin ang bagong langit na ito.  bahala  na.. alam ko, nandyan Ka...

070610tuesday

No comments:

Post a Comment