nasasobrahan ako ng tulog kanina. obviously, ibig sabihin nun, mas mabilis na paglalakad papunta sa magiging bago kong lungga. dahil hindi pa ako marunong sa pasikot-sikot ng lugar, mas mabuti para sa akin na maglakad na lang patungo sa pupuntahan.
halo-halo pa rin ang emotions ko habang tinatahak ang daan. bulong sa langit na maging mabuti sa akin ang panahon, ang mga taong makikilala, at ang bagong sitwasyon na haharapin. i can only be hopeful.
marami din akong natukalasan sa araw na ito. natuklasan ko na dahil late na ako kanina, it took me 1,265 steps para marating ang lugar. kasama na dun ang 2 sets ng staircase at 2 going up na escalator; 2 footbridges, at isang highrise na elevator ride. nung naglakad naman ako using my natural pace pauwi, inabot ako ng 2,635 steps. it's also equivalent to 5 repeats of Gary V's in another lifetime song.
God really has a way of making you experience life in extraordinary ways. kung dati hirap akong lakarin ang ateneo avenue, ngayon, ilang rounds ng ateneo avenue ang katumbas ng nagiging araw-araw kong lakad.
hay.. kung sabagay, mas gugustuhin ko naman na maglakad na lang, kesa maipit ako sa trafic.
iniisip ko na naman,
ano kaya kung nandito din kayo kasama ko?
it would make a lot of difference i know.
missing you guys.
070910friday
No comments:
Post a Comment